top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Manager, wala raw plano, pero nagsori… BEA AT LOLIT, NAGBATI NA

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 26, 2023
1 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | November 26, 2023




Star-studded ang ginanap na birthday celebration ng sikat na COO and Founder ng BeauteDerm beauty products na si Ms. Rhea Anicoche-Tan.


Nagdatingan ang mga malalaking celebrity endorsers ni Rhea headed by Bea Alonzo, Maja Salvador, Glydel Mercado, Ryle Santiago and Mommy Sherilyn Tan, Enchong Dee, Rayver Cruz at iba pa.


At sa gitna ng selebrasyon ay naganap ang pagbabati ni Bea at ng talent manager na si Manay Lolit Solis.


After ng pagbabati nina Manay Lolit at Bea ay nagkaroon kami ng chance na makausap ang dating talk show host.


Tinanong namin si Manay Lolit kung ano ang feeling na nagkabati na sila ni Bea.


“Okey lang,” sabay kibit-balikat ni Manay Lolit Solis. “Parang magaan, ‘di ba? Kasi, talaga namang sabi ko kahit saan tayo magkita, lalapitan ko sila at magso-sorry ako.”


Wala raw siyang plano na makipagbati kay Bea sa birthday ni Rhea. Pupunta talaga siya sa event pero ‘di niya ine-expect na darating din si Bea. Kaya nu’ng nakita niya si Bea, ‘di na niya pinalampas ang pagkakataon na humingi ng sorry dito. Ayos.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page