top of page
WINNER - MAGULANG NI VINCENT, GALIT NA GALIT NA ITINAGO SA KANILA ANG KASAL KAY BEA-FB Nan

Manager sa loob ng 30 yrs… AGA KAY MANAY ETHEL: HABAMBUHAY KA SA PUSO KO

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 12, 2023
  • 3 min read

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | September 12, 2023



Sobrang mahal ng namayapang talent manager at tinaguriang Dean of Entertainment Writers na si Manay Ethel Ramos ang aktor na si Aga Muhlach.


Si Manay Ethel ang tagapagtanggol ni Aga nu'ng mga panahong hindi pa ganu’n kaseryoso sa buhay at karera niya ang aktor at dahil dito ay marami ang pumupuna sa kanya.


Hindi naman naninita si Manay Ethel kapag may naisulat na hindi maganda kay Aga. Ang estilo nito ‘pag nagkita kayo sa isang event ay malambing niyang sasabihin na, “Uy, nabasa ko. Pero alam mo ba, ganito ang nangyari pala….”


Bahala na ang nagsulat kung isusulat niya o hindi, basta para sa manager ng aktor ay naibigay nito ang panig nila.


Sa aming pagkakatanda ay si Aga ang una at huling alaga niya bago pa magkaroon ng COVID-19 pandemic na umabot sa 30 years nilang pagsasama. Kaya naman, ‘anak’ ang talagang tingin ni Manay Ethel sa aktor.


Kaya naman, nang ianunsiyo ng pamilya ni Manay Ethel ang kanyang pagpanaw nitong Linggo ay inabangan ng lahat ang post ni Aga bilang artistang pinakamalapit sa puso nito.


Hindi biro ang tatlong dekadang pagsasama nina Aga at Manay Ethel dahil sa hirap at ginhawa ay magkasangga sila. Hindi rin nawala ang tampuhan pero kaagad ding naaayos, lalo’t malambing ang aktor sa kanyang pangalawang ina.


Sa pagkakaalam namin, ang huling laban nina Aga at Manay Ethel ay nang maipanalo nila ang kasong breach of contract na dinesisyunan ng Court of Appeals noong 2022 laban sa isang advertising agency at binayaran sila ng malaking halaga for damages.


Isa pang dahilan kung bakit masarap kakuwentuhan si Manay Ethel ay dahil marami siyang ‘tsismis’. Hahaha! Pero, never niyang itsinismis sa amin kung sino noon ang mga nililigawan ni Aga na later on ay nabubukelya.


Ang palagi niyang sagot, “Hindi ko alam. Hindi ako nakikialam sa love life niya.”


At in fairness, nang banggitin ni Aga si Charlene Gonzales-Muhlach na gusto niya noon ay kaagad nag-aprub ang manager niya dahil bukod sa kakilala niya ang pamilya nito ay nakilala rin niya ang ex-beauty queen simula bata hanggang sa pinasok na ang showbiz.


Kaya laking-pasalamat ni Manay Ethel nang magpakasal na si Aga kay Charlene dahil nakasisiguro siyang ‘in good hands’ ang aktor na minahal niya nang sobra at hindi rin naman siya nagkamali dahil nakita niya ang malaking pagbabago nito bilang responsableng asawa’t ama sa kambal na sina Atasha at Andres.


Anyway, isang araw muna ang pinalipas ni Aga bago siya nag-post sa kanyang social media ng pakikiramay sa manager niyang naging ikalawang ina.


“Rest and go in peace my dearest, ‘Ta Ethel. Don’t even know where to begin… 30 years of love, laughter, arguments, tsismis, pangarap, hard work to name a few. We all shared together and we just loved and embraced each other.


“I will miss you. I am forever grateful to you and what you’ve done for me. We’ve talked about death so many times that we both know we are ready. Lahat naman tayo, dadating diyan.


“So much more to say, but I’ll just leave it at this. Mahal ka naming lahat na tinulungan at minahal mo. Habambuhay ka sa puso ko. Pls. pray for us na naiiwan pa rito. Rest in eternal peace, dearest Tita Ethel. I love you very much. Don’t worry about me, you’ve taught me so much in life. We’ll be just fine. Hurt, sad but kaya ‘to.


“Again, rest in peace. You are with our Creator now (emoji praying hands), your son, Aga. Ang dami ko pang gustong sabihin…. ‘Di ko na rin alam.. basta.”


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page