Manager, nagsalita na… FYANG, YUMABANG NA RAW, MALDITA AT MAY ATTITUDE
- BULGAR

- 1 hour ago
- 3 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | July 11, 2026

Photo: IG _iamsofiasmith
Idinipensa ng talent manager na si Mannix Carancho ang alagang si Fyang Smith sa mga akusasyong malaki na raw ang ulo nito, maldita at may attitude.
Sa press conference ng Mannix Management na pag-aari ng nasabing talent manager ay natanong siya tungkol sa mga intrigang ibinabato sa Pinoy Big Brother: Gen 11 (PBBGEN11) Big Winner.
Ayon kay Mannix, wala siyang nakikitang pagbabago kay Fyang at kung ano raw ito bago pa maging artista ay ganoon pa rin hanggang ngayon.
“Siguro, dahil ‘di n’ya pa close ang maraming tao, akala, tinatarayan sila. Pero ‘pag nakilala n’yo s’ya, wala kang masasabi sa pakikisama n’ya,” depensa niya.
“Napakabait, walang masamang tinapay. Walang insecurities. Gusto n’ya lang mag-enjoy,” dagdag pa niya.
Sa tsikang nagbago na si Fyang dahil sa kasikatang tinatamasa, paglilinaw ng kanyang manager, “Para sa akin, ‘di naman po. Parang lumiit pa nga kasi mas seryoso na s’ya sa trabaho. Misunderstood lang.”
Matatandaang bago sumali sa PBBGEN11 ay isa nang sikat na content creator si Fyang at sey ni Mannix, hindi niya raw in-expect na sisikat din ito sa mundo ng showbiz, although noon pa ay kinakitaan na raw niya ito ng potensiyal.
When asked kung paano niya na-discover si Fyang, aniya, “Bumibisita sa Mannix House, nagko-content. Nagustuhan po namin s’ya at nagustuhan n’ya rin ang environment du’n. Naging probationary muna kami for three to six months. Ngayon, three years ko na s’yang mina-manage.”
Si Mannix ay nagma-manage ng mga social media influencers at content creators at ipinakilala niya sa nasabing mediacon ang kanyang mga alaga under his Mannix Management. Siya rin ang CEO & president ng Prestige International at isa sa mga pinakaimpluwensiyal na digital personalities sa Pilipinas. Mayroon siyang pinagsama-samang mahigit isang milyong tagasubaybay sa TikTok (TT), Facebook (FB) at YouTube (YT).
Ang kanyang mga platforms ay nagsisilbing inspirasyon sa mga naghahangad na maging influencer, negosyante at sa lahat ng may pangarap.
Bukod kay Fyang, kabilang sa mina-manage ni Mannix sina Miss Q&A 2026 grand finalist Andrea Lim na nag-viral dahil sa kanyang mga bonggang sagot sa Q&A ng It's Showtime (IS), Zaidee Diaz, Chona Vibes, Riri Navarro, Merfect at marami pang iba.
ANG sweet ng birthday message ni Francine Diaz sa ka-love team na si Seth Fedelin na nagdiwang ng kaarawan nitong Huwebes, July 9.
Sa Instagram (IG) post ng aktres ay makikita ang mga photos at videos ng aktor, gayundin ang mga nakakakilig na moments nila.
Sa caption ay sinabi niyang wala siyang ibang hangad kundi ang kaligayahan ni Seth.
“Happiest birthday Mr. Coffee. I just want your wish to come true, because that’s my wish for you as well because there’s nothing more I want in this lifetime than to see you happy.
“You deserve all the good things in life, because you’re just as wonderful,” mensahe ni Francine.
Kinilig naman ang FranSeth fans sa mensahe ni Francine at sobrang happy nila na makitang going strong pa rin ang relasyon ng dalawa.
TALAGA namang filed under ‘favorite’ ng viewers ang romantic drama series na You’re My Favorite Song na simula day 1 ay pinupusuan on-air at online.
Bukod kasi sa mataas na ratings ng seryeng pinagbibidahan nina Caprice Cayetano, Heath Jornales, Marco Masa at Clifford, trending din ito online. Umabot na rin ito sa mahigit 100 million views across all social media platforms.
Ngayon ngang back to his schoolboy era na si Miguel (Heath), hindi magkamayaw ang CapEath shippers dahil mas maraming nakakakilig na eksena ang mapapanood sa pagitan nila ni Angel (Caprice). Pero siyempre, hindi papatalo ang CapCo (Caprice at Marco) at CapFord (Caprice at Clifford) shippers.
Marami rin ang kinikilig sa love-hate relationship nina Angel at Calix (Clifford).





Comments