top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Manager, lagi raw iniisahan... PAMBABASTOS NI NADINE SA VIVA, IBINULGAR NI OGIE DIAZ

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 20, 2020
3 min read

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | December 20, 2020




Ganyan Naman ‘Yung Ibang Artista 'Pag Sumikat, ito ang titulo ng vlog ni Ogie Diaz sa kanyang YouTube channel na tsikahan nila ng partner niyang si Mama Loi tungkol sa demanda ng Viva Talent Agency kay Nadine Lustre.


Nasulat na sa lahat ng online websites at pahayagan na kinasuhan ng Viva si Nadine dahil umalis ito sa poder nila gayung may existing contract pa ito hanggang year 2029.

Bilang talent manager din ay tinalakay ni Ogie sa kanyang vlog ang isyung ito.


“Ilang beses na yatang tumatanggap ng project si Nadine nang hindi ipinagpapaalam sa Viva. Sa mga hindi nakakaalam, ang Viva Artist Agency o Viva ang nagbigay ng break kay Nadine Lustre.


“Isinama siya dati sa isang movie ni Vice (Ganda) sa filmfest, tapos binigyan siya ng (pelikula), Diary ng Panget. Mula nu’ng Diary ng Panget ng 2014, shook, gumanu’n (pataas) na talaga ang career ni Nadine.


“Anyway, nitong January, 2020, nag-declare si Atty. Lorna Kapunan na puwede nang tumanggap si Nadine ng mga raket at mina-manage niya ang kanyang sarili at the same time. Sinabi rin ni Kapunan na wala nang karapatan ang Viva Artist Agency sa career ni Nadine Lustre dahil iyon ay naaayon sa civil rights ni Nadine.


“Ang civil rights na tinutukoy ni Kapunan na kapag ayaw na ng talent sa isang kontrata o isang agency, puwede siyang umalis.


“Kaya ito (ang) itinatanong ko, I have nothing against Nadine, ha? Ano pa'ng silbi ng kontrata kung papairalin… bakit pa pumirma kung papairalin natin ‘yung 'pag ayaw na ng talent, eh, aalis na?”


“Alam n’yo, ako, naniniwala na nasa pag-uusap ‘yan na kunwari, nagpaalam si Nadine Lustre sa Viva na ‘Aalis na po ako, baka puwede ninyo akong i-release.' Kung ini-release si Nadine, kukuha ngayon siya ng release order or release letter na siya ay pinakakawalan na at wala nang anumang koneksiyon si Nadine sa Viva. Eh, wala namang ganu'n! Nag-e-exist pa rin ang contract ni Nadine sa Viva," mahabang paliwanag ng kilalang talent manager.


‘Wrongful and malicious’ ang kontrata ni Nadine, ayon kay Atty. Kapunan.


“Well, bilang lawyer ni Nadine, ipagtatanggol naman talaga ni Kapunan si Nadine. Talagang sisilipin niya ‘yung kontrata kung may butas. Kaya lang, sana, nagpaalam nang maayos si Nadine at pinakawalan din siya nang maayos ng Viva para walang samaan ng loob.

“Kasi kilala ko si Veronique del Rosario saka si Boss Vic (del Rosario), matinong kausap naman sila. In fairness kasi, ilang beses ko na silang nakaka-deal, matinong kausap ‘yang mag-ama na ‘yan, saka si Boss Vincent (del Rosario).


“At ang paniniwala ni Boss Vic, maliit lang ang mundo ng showbiz, magkikita’t magkikita pa rin sila at kung sakali na dumating ang panahon na ‘yung umalis sa kanya ay ibabalik ng panahon, bakit hindi niya tatanggapin? Kaya if I were Nadine, tapusin niya ‘yung kontrata, kaya lang 2029?” paliwanag ni Ogie.


Tinalakay din ni Ogie ang mga sakit ng mga baguhang artista kapag pipirma ng kontrata.

“Una, in good faith, pipirmahan nila kasi nagtiwala sa kanila. Pangalawa, na-excite sila (baguhang artista) kaya hindi na nila binabasa ‘yung kabuuan ng kontrata. Hindi nila pinababasa sa abogado kasi na-excite sila. 'Pag pumirma ka ng kontrata for a year, automatically, 5 years ang idadagdag sa contract, nakalagay ‘yan doon. Mag-sign ka o hindi, (additionally) 5 years automatically.


“May ganito pang nangyayari, in 2nd year, biglang bumulusok ang career nila, babalikan nila ang kontrata kasi nasasaktan sila sa 30% (komisyon ng management) at doon marami na silang (artista) reklamo. Hindi nila alam na build-up contract ‘yun. Ibini-build-up sila ng agency para sila ay sumikat. Habang ibini-build-up ka, ginagastusan ka ng agency, pero ‘yun, hindi mo kinukuwenta, 'di ba? Kasi feeling mo, trabaho nila (management) ‘yun. Oo, trabaho nila, pero mayroon ka ring obligasyon sa manager mo, ibabalik mo lahat ng in-invest sa 'yo. In what way, mayroon kaming percentage sa anumang raket na pasukin mo.


“Ngayon, kung ayaw mo na talagang pumunta ka sa Viva ay mag-settle kayo, kasi may amicable settlement naman 'yan. Para babayaran mo ‘yung years ng kontrata na hindi mo pa napagtatrabahuhan, so buy out mo,” ang payo ni Ogie kay Nadine.


Habang isinusulat namin ang balitang ito ay almost 100K views na ang episode na ito ni Ogie tungkol kay Nadine Lustre.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page