top of page
Search
  • BULGAR

Man of Honor si Vice, ring bearer si Erik, flower girl si Sarah… ANGELINE, IKINASAL NA SA QUIAPO CHURCH

ni Julie Bonifacio @Winner | April 26, 2024





ANOTHER female celebrity ang ikinasal a week after ng bonggacious destination wedding ni Angelica Panganiban kay Gregg Homan last week.


This time, isa na namang “angel” sa showbiz ang humarap sa altar last Thursday (April 25, 2024), walang iba kundi ang singer na si Angeline Quinto na finally ay ikinasal na sa kanyang non-showbiz partner na si Nonrev Daquina sa Nazareno Church sa Quiapo.


Kasama rin sa wedding ang only son ng bagong kasal na si Sylvio na magpi-first birthday bukas, April 27.


Sa pagpapakasal ni Angeline, isa na namang pangarap niya ang natupad. 


Matagal na kasing naikuwento sa amin ni Angeline na kung magpapakasal s’ya sa simbahan, pangarap niyang maikasal sa Quiapo Church dahil deboto siya ng Black Nazarene. At noon pa man ay nagbibigay na siya ng offering sa nasabing simbahan, kaya naging kaibigan na niya ang mga pari sa Quiapo Church.


Malapit lang kasi ang Quiapo sa kinalakihan ni Angeline sa Sampaloc, kung saan doon din niya unang nakilala ang kanyang mister. 


Nanghihinayang lang for sure si Angeline na hindi na inabutan at nasaksihan ng kanyang adopted mother na si Mama Bob ang kanyang kasal.


Ang mga best friends ni Angeline sa showbiz na sina Vice Ganda at Erik Santos ang pumapel sa kanyang entourage.


Ewan kung paanong napapayag ni Angeline na instead of Matron of Honor na babae ang usually umeeksena sa role na ito sa entourage ng bride, biglang naging Man of Honor ang ibinigay na title sa It’s Showtime host.


Habang si Erik ang ring bearer at si Sarah Geronimo naman ang flower girl, na usually, mga bata ang kinukuha para rito.


Baka naman gustong maiba ni Angeline, kaya may mga ganito siyang pakulo sa kanyang wedding. 


Ang ilan sa mga principal sponsors ay sina Manila Mayor Honey Lacuña, Charo Santos-Concio, Boy Abunda, Martin Nievera, Regine Velasquez, ABS-CBN TV Production Head Laurenti Dyogi, ABS-CBN COO for Broadcast Cory Vidanes, Vicky Belo at Zsa Zsa Padilla. 


Anyway, sa Manila Hotel ginanap ang reception ng wedding nina Angeline and Nonrev, since almost two years nang magkarelasyon ang dalawa bago nagpakasal.


Patunay lang ito na ‘di true ang intriga dati na kasal na raw sa unang partner niya si Nonrev, kung saan may anak din ang mister ni Angeline Quinto.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page