top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Malungkot ang Pasko… SARAH, DEDMA PA RIN AT 'DI MAPATAWAD NI MOMMY DIVINE

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 28, 2021
1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | December 28 , 2021





Naiintriga kami kung bakit naiyak si Sarah Geronimo sa ginanap na virtual concert nila ni Matteo Guidicelli kamakailan.


Ang lungkut-lungkot ng aura ni Sarah habang kinakanta ang Miss Kita 'Pag Christmas at ang wish daw niya ay makasama ang kanyang mga mahal sa buhay.


Ibig kayang sabihin ay hindi pa sila nagkakaayos ng kanyang pamilya, especially Mommy Divine?


Ganu'n katindi ang galit ni Mommy Divine sa ginawang paglilihim sa kanya nang magpakasal sina Sarah at Matteo?


Nakayang tiisin-tikisin ni Mommy Divine si Sarah kahit noong Pasko?


Ano pa ba ang dapat gawin nina Sarah at Matteo upang tanggapin at patawarin na sila ng mga magulang ng singer?


Ang buong pamilya ni Matteo ang nakasama ni Sarah noong Pasko. At hindi niya magawang itago ang kanyang lungkot na nararamdaman dahil hindi niya kapiling ang kanyang pamilya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page