Maling deklarasyon at klasipikasyon ng lupa

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | December 17, 2020
Dear Chief Acosta,
Naglalabas ng maling klasipikasyon ng mga lupa sa aming probinsiya ang aking kinakapatid na empleyado ng gobyerno. Idinideklara niyang “alienable and disposable lands” ang ibang parte ng kagubatan nang walang sapat na basehan. Maaari ba siyang managot sa kaniyang gawain? – Zandro
Dear Zandro,
Para sa inyong kaalaman, ang batas na nakasasaklaw sa inyong katanungan ay ang Presidential Decree (P.D.) No. 705, o mas kilala sa tawag na Revised Forestry Code. Nakasaad sa Section 74 nito ang sumusunod:
“Section 74. Misclassification and survey by government official or employee. Any public officer or employee who knowingly surveys, classifies, or recommends the release of forest lands as alienable and disposable lands contrary to the criteria and standards established in this Code, or the rules and regulations promulgated hereunder, shall, after an appropriate administrative proceeding, be dismissed from the service with prejudice to re-employment, and upon conviction by a court of competent jurisdiction, suffer an imprisonment of not less than one (1) year and a fine of not less than one thousand, (P1,000). The survey, classification or release of forest lands shall be null and void”Ayon sa nasabing batas, maparurusahan ang mga opisyal o empleyado ng gobyerno na maglalabas ng survey, klasipikasyon o rekomendasyong ideklara ang forest lands bilang alienable and disposable lands na hindi alinsunod sa criteria o pamantayan at batayan ng nasabing batas o mga alituntunin tungkol dito. Ang sinumang lumabag ay maparurusahan ng pagkakulong ng hindi bababa ng isang taon at multa na hindi bababa sa P1, 000. Ang maling survey o klasipikasyon ay ituturing na null and void.
Sana ay nabigyan namin ng linaw ang inyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa impormasyon na inyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng inyong salaysay.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.





Comments