Malilito raw kung sino ang tatay…

JOHN LLOYD, PUMALAG SA PAGBITBIT NI ELLEN SA ANAK HABANG KASAMA SI DEREK
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | February 20, 2021

Nananadya kaya si Derek Ramsay sa patuloy na pagpo-post niya sa social media ng mga larawan nila ni Ellen Adarna na laging magkasama ngayon?
Pati ang anak ni John Lloyd Cruz ay bitbit pa ni Ellen sa mga lakad nila ni Derek. Maging noong magpunta sila sa Anilao, Batangas ay kasa-kasama rin ang bata.
Kahit sa mga imbitasyon ni Derek sa kanyang bahay, madalas ay naroroon din si Elias Modesto at inaasikaso ng hunk actor kaya hindi na nakakapagtaka kung mag-react man ang ex-BF ni Ellen na si John Lloyd.
Okey lang naman sa aktor kung may relasyon na sina Ellen at Derek. Hindi na niya pinakikialaman ang private life ng dating karelasyon. May sarili na itong buhay mula nang magkahiwalay sila. Pero sana raw ay hindi na isinasama ni Ellen ang anak nilang si Elias Modesto sa mga lakad nila ni Derek.
May punto si JLC kung ganito ang gusto niyang mangyari dahil malilito nga naman si Elias habang nagkakaisip ito kung sino ang totoong tatay niya at ano ang papel ni Derek sa buhay nilang mag-ina.
Ayon na rin sa malalapit kay JLC, feeling ng aktor ay inaagawan siya ni Derek ng role sa kanyang anak na si Elias. Ibang usapan na kapag anak ang involved. Kahit papaano, may sundot ‘yun sa puso ni John Lloyd.





Comments