top of page
FRANKLY - ANNOUNCEMENT SA PAGBUBUNTIS NI SARAH, INAABANGAN NA-IG _matteog.jpg

MALE FAN, NAG-PROPOSE KAY ALEX EALA SA HARAPAN NG PADIR

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 hours ago
  • 2 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | August 29, 2026



WINNER - MALE FAN, NAG-PROPOSE KAY ALEX EALA SA HARAPAN NG PADIR_FB Alex Eala

Photo: FB Alex Eala



Hindi nakapagpigil ang isang male fan ni tennis superstar Alex Eala na mag-propose sa kanya publicly.


Nagulat at natawa ang atleta sa biglang proposal ng kanyang male fan sa store ng sportswear na ine-endorse niya.


Lumuhod at may dalang bulaklak ang fan na pilit niyang iniaabot sa atleta.

Halatang kinabahan din ang tennis superstar sa male fan na nag-propose sa kanya dahil sa sobrang persistent nito. Kaya nagpasaklolo na si Alex sa kanyang ama na nasa gilid lamang na binabantayan ang kanyang anak.


Lumapit agad ang daddy ni Alex at hinarap ang male fan. Naghalukipkip ang ama ng tennis champion na nag-send ng message sa persistent na male fan.


Naku, hindi naman masisisi ‘yung male fan na ma-in love kay Alex. Bukod sa napakahusay na sports personality, napakaganda and very charming talaga nito.

True.





Wa’ raw matibay na ebidensiya…

2 TV PRODUCERS NA KINASUHAN NG SEXUAL HARASSMENT NI GRETCHEN, LUSOT



Lusot na ang mga kinasuhan ng ABS-CBN news anchor na si Gretchen Fullido. 

Pinawalang-sala na sa isang korte sa Quezon City (QC) ang dalawang television producers na sinampahan ni Gretchen ng kasong sexual harassment kaugnay ng reklamong inihain niya noong 2018. 


Kinasuhan ang dalawa sa ilalim ng Republic Act No. 7877 o Anti-Sexual Harassment Act of 1995.

Ibinaba ang desisyon sa kaso ni Quezon City Metropolitan Trial Court Branch 32 Judge Angeli Albana-Garrido kahapon, Agosto 28.


Hindi raw kasi nagawang patunayan ng prosecution nang lampas sa makatwirang pagdududa o “beyond reasonable doubt” ang mga alegasyon laban kina Cheryl Favila at Maricar Asprec.


“It is well-established in jurisprudence that in criminal law, all doubts should be resolved in favor of the accused,” ayon sa korte.


Batay daw ito sa constitutional presumption of innocence, kung saan itinuturing na inosente ang isang akusado hangga’t hindi napapatunayang nagkasala. Kaya, tuluyang pinawalang-sala sina Favila at Asprec sa kasong sexual harassment sa lugar ng trabaho.


Ayon pa sa desisyon, “Wherefore, premises considered, accused Chery C. Favila and Maricar P. Asprec are hereby acquitted for the crime of Sexual Harassment in the Workplace under R.A. No. 7877 for Criminal Case No. 19-05659-CR based on reasonable doubt.”

Prior to this, nagsampa rin ng libel case si Gretchen sa news anchor na si Ces Drilon at sa reporter na si Marie Lozano.


Ang mga ito ay dumaan sa piskalya at korte sa pamamagitan ng preliminary investigation at trial, at hindi nagresulta sa pagkakakulong o pagka-detain ng mga akusado habang dinidinig ang kaso.


Ang iba nga rito, tulad kay Marie ay absuwelto na sa kasong libel.

‘Yun na!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page