top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Malawakang reporma sa PhilHealth, sagot para maitigil ang korupsiyon

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 21, 2020
2 min read

ni Bong Go - @Bisyo Magserbisyo | October 21, 2020



Dahil sa mga anomalya sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), naging malinaw sa atin na kailangan ng malawakang reporma sa ahensiya, lalo na sa liderato nito, upang magawa nito ng maayos ang trabaho.

Kaya naman, sa nakaraang public hearing ng Senate Committee on Health noong Lunes, tinalakay ang panukala na layuning i-designate ang Secretary of Finance bilang bagong Chairperson ng PhilHealth Board of Directors.

Ayon sa kasalukuyang batas, ang Secretary ng Department of Health ang dapat tumayong Chairperson ng PhilHealth Board.


Ngunit dahil sa kasalukuyang pandemya, mabigat na ang pinapasang responsibilidad ni DOH Secretary Francisco Duque III upang maisalba ang bansa mula sa COVID-19.


Isa ito sa mga dahilan kung bakit may mga repormang tinatalakay sa Senado tulad nito.

Panahon na para ireporma ang PhilHealth kung kaya’t inaaral ngayon na ibigay ang liderato sa Department of Finance upang pangunahan ang PhilHealth board.


Ito namang PhilHealth ay insurance corporation. Bilang eksperto sa financial management, malaki ang maitutulong ng DOF Secretary para mabantayan at mapalago ang bawat piso sa pondo ng PhilHealth na pinagpaguran ng taumbayan.

Karagdagang hamon din ito para kay Finance Secretary Carlos Dominguez III na proteksiyunan ang interes ng tao at ang pondo ng taumbayan.


Personal siyang nangako na gagawin ang lahat upang makulong ang dapat makulong, at makasuhan ang dapat makasuhan sa mga anomalya sa PhilHealth.

Patungkol naman sa utang ng PhilHealth sa Red Cross, napagkasunduan na ng dalawa na babayaran ng PhilHealth ang obligasyon nito sa Red Cross.


Sinabi na rin mismo ni Pangulong Duterte na maghahanap siya ng paraan para mabayaran ang utang ng PhilHealth sa Red Cross.


Services rendered na kasi ito, kaya talagang dapat lang na mabayaran ang Red Cross, lalo na at napakalaki ng naitulong nila sa atin.

Importante na hindi maantala ang serbisyo sa taumbayan, lalo na sa panahon ng pandemya. ‘Ika nga, “Every minute counts”.

Huwag natin hayaang masira ang serbisyo na dapat nakukuha ng mga tao, lalung-lalo na sa panahong may hinaharap tayong health crisis.

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BISYO MAGSERBISYO ni Bong Go, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa bisyo.magserbisyoo@gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page