Malasakit para sa pinakaapektado ng pandemya
ni Bong Go - @Bisyo Magserbisyo | August 20, 2021
Habang patuloy ang laban natin kontra COVID-19, tuluy-tuloy rin ang pag-iikot namin sa iba’t ibang sulok ng bansa upang makita ang sitwasyon ng ating mga kababayan, matugunan ang kanilang pangangailangan, at mag-iwan ng ngiti sa oras ng kanilang pagdadalamhati.
Mula August 14 hanggang 19, nagbigay tayo ng tulong sa mga kababayan nating apektado ng pandemya at nakaraang sakuna.
Sa probinsiya ng Quirino, namigay tayo ng ayuda sa 250 katao sa Aglipay; at 209 naman mula sa Saguday. Mayroon ding 5,000 na indibidwal mula sa iba’t ibang sektor ang nabigyan ng tulong sa San Carlos City, Pangasinan; at 360 senior citizens naman sa Victoria, Tarlac.
Tumulong din tayo sa mga kababayan nating Batangueño. Sanlibo ang naabutan ng tulong na essential workers sa San Nicolas; at 1,666 naman na mula sa vulnerable sectors sa Alitagtag.
Sa Visayas, bumisita rin kami sa Biliran upang suportahan ang 260 na market vendors at TODA members sa Maripipi; 456 sa Culaba; 320 sa Cabucgayan; at 159 naman sa munisipyo ng Biliran.
Sa Samar naman, tumulong tayo sa 584 na benepisyaryo ng Retooled Community Support Program sa Pinabacdao; at 1,900 market vendors at TODA members naman sa Catbalogan City.
Sa Capiz, tinugunan namin ang mga pangangailangan ng 5,047 market vendors at TODA members mula sa mga bayan ng Ivisan, Dumarao, at Cuartero. Sa Southern Leyte, nag-abot tayo ng suporta sa 146 micro-entrepreneurs mula sa Macrohon; 138 sa Padre Burgos; 168 naman sa Tomas Oppus; at 1,464 sa Maasin City.
Sa Mindanao, bumisita kami sa Misamis Oriental at namigay ng tulong sa 217 market vendors sa El Salvador City at 221 sa Jasaan; 222 na recovering former drug users sa Sugbongcogon; 20 na nasunugan sa Talisayan; at 413 na PWDs, solo parents, at tricycle drivers sa Medina.
Samantala, 13 na nasunugan din ang ating inabutan ng dagdag-suporta sa Tandag City, Surigao del Sur. Nagbigay din tayo ng tulong sa Zamboanga Sibugay para sa 3,000 flood victims at indigents sa Diplahan; 4,050 drivers at vendors sa Alicia; at 3,000 flood victims at economic frontliners naman sa Siay.
Nitong nakalipas na linggo rin ay binuksan natin ang ika-135 na Malasakit Center sa bansa sa Basilan Medical Center; at ika-136 naman sa Labuan General Hospital sa Zamboanga City.
Sa usaping bakuna naman, halos 46 million doses na ang dumating sa bansa at inaasahan nating may higit 120 milyon pang darating sa mga susunod na buwan. Mula nang mag-umpisa ang ating pagbabakuna hanggang noong Agosto 18, nakapagturok tayo ng halos 29.13 milyong doses na kung saan 16.25 milyon nito ay unang dose at halos 12.88 milyon nito ay kumpleto na ang pagbabakuna.
Makaaasa kayong walang kapaguran naming pagsisilbihan ni Tatay Digong ang ating mga kababayan, lalo na iyong mga pinakaapektado ng pandemya at walang matakbuhan. Kaya magtulungan tayo para siguraduhing walang maiiiwan sa laban na ito.
Bukod sa pagsigurong sapat ang ating mekanismo upang mapangalagaan ang kalusugan ng ating mga kababayan, parte rin ng mandato ng gobyerno ang pagsiguro na wala ni isang iregularidad sa mga hakbang na ating ginagawa.
Naniniwala naman tayong buhay at kapakanan ng bawat Pilipino ang inuuna ng ating mga opisyal sa kanilang trabaho. Kung may kakulangan man, iwasto agad. Kung may dapat klaruhin o punan, ayusin agad.
Kaya ang apela natin sa lahat ng may kinalaman sa paggasta ng pondo ng bayan, dapat ipaliwanag nang maayos at kumpleto sa taumbayan ang mga isyu na ibinabato sa inyo dahil pera nila ‘yan. Kapag naklaro na lahat ng mga ito, mas matututukan natin ang tunay na kalaban — ang COVID-19 at ang hirap at gutom na kasama nito.
Tungkol naman sa ating mga healthworkers na nagrereklamo dahil walang natanggap na allowance — tulad ng sinabi ni P-Duterte, unahin n’yo ang benepisyo ng health workers. Huwag dapat patagalin at ibigay na ang dapat ibigay na benepisyo na nararapat sa kanila. Huwag n’yo na sayangin ang panahon dahil walang katumbas ang sakripisyo ng ating health workers at ang iba sa kanila ay nagbuwis na ng buhay upang proteksiyunan at makapagserbisyo sa kapwa.
Sabay-sabay tayong babangon mula sa krisis na ito bilang matatag at nagkakaisang bansa kung patuloy tayong magbabayanihan at magmamalasakit sa ating kapwa!
Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BISYO MAGSERBISYO ni Bong Go, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa bisyo.magserbisyoo@gmail.com.
Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran.





sana isa ako sa mbgayn ng tulong financial 😔nawaln po ksi trabho mr ko .at lockdown po kme 😔