top of page
Search
  • BULGAR

Malapit na raw… JESSY AT LUIS, KUMANTANG 'OCEAN' ANG NAME NG 2ND BABY

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | Abril 8, 2024


 

Puring-puri ni Jessy Mendiola ang better half na si Luis Manzano as a husband, gayundin sa pagiging ama sa kanilang panganay na anak na si Rosie or Peanut.


Sa panayam ng aktres sa Fast Talk with Boy Abunda last Friday ay tinanong siya ng host na si Boy Abunda kung kumusta si Luis.


“Okay, Tito Boy, super happy siya. Actually, kasi siyempre, ‘di ba, tayo, we’ve seen him before, I’m sure you’ve seen him nu'ng single pa siya, tapos, nu’ng nag-date kami, nu’ng naging kami, nu’ng ikinasal kami.


“Now, I get to see him as a father. And you know, talagang sabi ko, ‘grabe.’ Iba talaga ‘yung growth ng isang person,” ani Jessy.


Ayon pa sa celebrity mom, lalo siyang nai-in love ngayon kay Luis.


“Ito talaga, itong season niya ngayon as a father, parang mas lalo akong nai-in love sa kanya. Kasi, parang ito ‘yung una mo siyang makikita na hindi ‘yung kayong dalawa lang ‘yung iniisip niya, eh. Meron na siyang isa pang iniisip na sobrang importanteng bagay sa kanya.


“And para sa ‘kin, grabe, 'no? Grabe lang din talaga ‘yung happiness niya, grabe ‘yung growth niya, grabe ‘yung… makikita mo talaga na kuntento siya,” paglalarawan ni Jessy sa mister.


When asked kung ready na ba sila for a second baby, sagot ni Jessy, “I think, malapit na,” sabay-tawa.


“Gusto ko talaga ng maraming anak, Tito Boy, kung kaya ko lang talaga na sabay-sabay,” natatawa pa niyang dagdag.


Same with her husband na nanghihingi na raw talaga sa kanya ng pangalawang anak.


Esplika pa ng celebrity mom, “'Pag nakikita n'yang naglalakad na si Peanut, palagi niyang sinasabi sa ‘kin, 'You want to be an ate, anak?' Palaging ganu'n na.


“So, parang sasabihin n'ya sa akin, 'Ano, Love, puwede na ba?' So, parang ako, 'Oo naman.’


Siyempre, I mean, kung ibigay ni Lord, 'di ba, bakit naman hindi?”


Natanong nga rin kung may name na ba sila sa next baby kahit boy or girl at sabi ni Jessy, “Meron na kaming name. Actually, kahit pa girl or boy, Ocean.”


Paliwanag pa niya, “Mahilig talaga kami sa dagat, sa tubig, and we are beach lovers. So talagang sabi ko, 'Puwede, 'no? Sa girl or sa boy, Ocean.' Ocean Tawile Manzano.”


Pagdidiin naman ni Jessy Mendiola na if given the chance, gusto raw niya ay limang anak.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page