Malapit na malapit na raw… KASAL NINA LUIS AT JESSY, MAUUNA KESA KINA ANGEL AT NEIL

Julie Bonifacio - @Winner | December 24, 2020

Sinagot ni Jessy Mendiola ang netizen na nag-post ng sarkastikong comment sa ipinost ng fiancèe ni Luis Manzano sa kanyang Instagram account.
Magkakasunod ang mga posts na larawan ni Jessy sa kanyang IG account kung saan ang background ay dagat sa mala-paraisong isla ng Amanpulo.
Sa isa sa mga larawan sa IG post ni Jessy ay nakasuot siya ng orange sequined-gown.
"Thank you so much @itspatriciasnts @psofficiel for making this gorgeous gown for me! It was more wonderful than I imagined and it made me feel so beautiful during our prenup shoot in Amanpulo. Love you, Pat," caption sa piktyur na may pa-#jessgotlucky.
Take note na "prenup shoot" ang nakalagay sa caption at 'di "engagement shoot."
Tinuhog na malamang ng newly-engaged couple na sina Luis at Jessy ang pagpunta sa exclusive and super expensive resort para sa kanilang engagement and prenup shoot.
Kinilig naman ang mga followers ng newly-engaged couple sa ipinost na comment ni Luis sa IG post ni Jessy.
"Ganda naman my fiancèe," say ni Luis.
Pero may nambasag naman ng kilig ng mga followers nina Luis at Jessy.
"Akala ko ba, "nawala" ang element of surprise or the luhod moment? Ba't parang prepared naman po kayo, magandang binibini?"
Hindi ito pinalampas ni Jessy at ang sagot, "Prenup shoot kasi."
Pagkatapos ng reply ni Jessy, wala nang iba pang hanash ang netizen. Bagkus, panay papuri at pagbati na ang sinasabi sa engaged couple.
At dahil mismong si Jessy na ang naglagay sa caption na prenup shoot nila 'yun ni Luis, nangangahulugan lang na malapit na talaga ang kanilang kasal.
May balita rin kaming nalaman na binubuo na raw nina Luis at Jessy ang family, friends and relatives na kukumpleto sa buong wedding entourage at pati na ang principal sponsors.
Baka isa sa mga mauunang celebrity weddings for 2021 ang kina Luis at Jessy. Malamang daw ay mauna pa silang ikasal kesa sa naudlot na wedding ng ex-girlfriend ni Luis na si Angel Locsin kay Neil Arce.
Naku, kahit sino pa ang mauna sa kanila, mas gusto na namin 'yang mga nagpapakasal na celebrities kesa kung anu-ano pang calamities na pagdaanan na naman natin sa 2021.





Comments