top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Malakas daw siya sa mga jurors ng MMFF… VILMA: GOD KNOWS WALA AKONG GINAWA PARA MANALONG BEST ACTRESS

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 7, 2024
2 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | January 7, 2024



Nag-react na si Vilma Santos-Recto sa mga kumukuwestiyon sa pagkapanalo niya bilang MMFF Best Actress 2023 para sa pelikulang When I Met You In Tokyo.


May mga nagtatanong kung bakit siya ang nanalo at hindi si Marian Rivera ng top-earning movie na Rewind. 


Para sa amin, hindi porke't top grosser ang Rewind nina Marian Rivera at Dingdong Dantes ay masasabi nang magagaling silang artista.


Sa tingin lang namin, hindi sila ang nagdala ng pelikula kundi ang istorya ng Rewind kung saan marami ang naka-relate. 


And for the Star for All Seasons, siya na rin ang nagsasabi noon pa sa mga presscon ng WIMYIT na hindi niya inaasahan na magkaka-award siya dahil very light lang naman daw ng story ng kanilang pelikula. 


Pero, bilang si Azon na isang OFW sa Japan ay nagampanan naman niya nang mabuti ang kanyang karakter. 


Sa interview sa veteran actress, binalikan niya ang mga namba-bash sa kanya at nagda-doubt sa kanyang pagkapanalo. 


Natural nga lang naman na makatanggap siya ng mga negatibong komento mula sa mga hindi niya tagahanga, pero ang akusahan siyang malakas ang kapit sa mga hurado ay ‘yun ang hindi niya matatanggap. 


“My God! God knows na ni isa, we did not lift a finger para sabihin mong to get the Best Actress award,” wika ng Star for All Seasons. 


Dinepensahan niya ang sarili sa mga nagsasabing nag-give chance to others naman sana siya.


Aniya, wala siya sa posisyon para salungatin ang decision ng jurors and she doesn’t even know about it. Thankful niyang tinanggap ang award.


Sabi nga niya sa kanyang acceptance speech, the Best Actress award was unexpected.


Hinggil naman sa box-office performance ng kanilang pelikula, sinabi niyang they have no control over it.


Pakli ni Ate Vi, “What can we do? It’s really like that. I mean, sometimes you lose, sometimes you win. You cannot have everything, you know? So God is fair.”

1 Comment


ruelsarganosa
Jan 10, 2024

Congrats Ate Vi for winning 49th MMFF Best Actress award. Well - deserved ka sa award compared sa other nominees. Then Congrats also sa Box office success ng movie mo. Hindi man top Grosser ang movie mo pero Aminnin man Nila o Hindi kumita talaga ang movie. Malakas pa rin ang hatak mo sa moviegoers. Tunay na Star for all seasons ka talaga. 🌟👏👏👏🌟

Like

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page