ni Pablo Hernandez @Prangkahan | July 7, 2024
‘PINAS, MALAGO RAW ANG EKONOMIYA PERO BAON O LUBOG NAMAN SA UTANG -- Inanunsiyo ng Bureau of Treasury (BOT) na pumalo na sa higit P15.35 trillion ang utang ng Pilipinas sa iba’t ibang financial institution sa mundo.
Kung ganu’n, fake news pala ang ibinida kamakailan lang ni Pres. Bongbong Marcos (PBBM) na lumago ang ekonomiya ng Pilipinas kasi nga mismong BOT na ang nagsabi, baon o lubog na sa utang ang ‘Pinas, boom!
XXX
PABIDA NG PSA, BUMABA ANG INFLATION RATE PERO ANG KATOTOHANAN, UBOD NANG TAAS ANG PRESYO NG MGA BILIHIN AT BAYARIN -- Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), bumagal daw ng 3.7% ang inflation rate ng ‘Pinas, na ang gustong palabasin nila rito ay bumaba raw ang presyo ng mga bilihin at bayarin sa bansa.
Sa panahon ng Marcos administration, itong PSA ay ang dalas mag-anunsiyo ng fake news, kasi mantakin n’yo, mismong Dept. of Agriculture (DA) na ang nagsabi na ngayong Hulyo tumaas ang presyo ng isda, itlog, kamatis at iba pang gulay, at inamin ng Dept. of Trade and Industry (DTI) na hindi nila napigilan ang pagtaas ng presyo ng school supplies na gagamitin ng mga mag-aaral sa pasukan sa Hulyo 29, 2024, nag-aprub ang Tollway Regulatory Board (TRB) sa dagdag-bayarin sa North Luzon Expressway (NLEX) at sunud-sunod na pag-aprub naman ng Energy Regulatory Commission (ERC) sa oil price hike, tapos nagawa pa ng PSA na ibida sa publiko na bumaba raw ang inflation rate sa ‘Pinas, pwe!
XXX
SA MANGILAN-NGILANG KADIWA STORES, TOTOONG MABABA ANG PRESYO PERO SA MGA PALENGKE AT GROCERY STORES, UBOD NANG MAHAL ANG PRESYO -- Kung ang ibinida ng PSA ay mababa ang presyo ng mga paninda sa mga Kadiwa stores, eh ‘yan ay kapani-paniwala talaga, ang problem nga lang ay mangilan-ngilan lamang ang puwesto ng Kadiwa stores.
‘Ika nga, mura talaga ang presyo ng mga paninda sa mga Kadiwa store, pero sa lahat ng palengke sa buong bansa, iyong mga paninda rito ay pagkamamahal, period!
XXX
PARANG SINABIHAN NG MARCOS ADMIN NA ANG MGA MIDDLE CLASS CITIZENS NA ‘BAHALA NA SILA SA BUHAY’ NILA SA MAHAL NG PRESYO SA MGA PAMILIHAN -- Ang pinapayagan lang ng Marcos admin na mamili ng mga pagkain sa mga Kadiwa store ay ang mga mahihirap na Pilipino at hindi raw pinapayagan bumili rito (Kadiwa stores) ang mga middle class citizen na nakakaranas na rin ng hirap dahil sa sobrang mahal ng presyo ng mga bilihin sa mga palengke at grocery stores.
Dahil sila (middle class citizens) ay ban raw mamalengke sa mga Kadiwa store, parang sinabihan na rin ng Marcos admin ang mga middle class citizen na “bahala na sila sa buhay nila” sa sobrang mahal na presyo ng mga bilihin sa mga pamilihan, boom!
댓글