top of page

Makati Subway Project, biglang napurnada, anyare?

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 7 hours ago
  • 2 min read

ni Ka Ambo @Bistado | May 12, 2025



Bistado ni Ka Ambo


Hindi matapos-tapos ang isyu sa Makati City.

Ere ba namang Makati Subway Project ay biglang napurnada.

Ang mabigat, imbes na makatulong, nahaharap pa ngayon sa kaso si Makati City Mayor Abby Binay.


----$$$--


KINAMBALAN ang isyu sa purdoy na Makati subway ng kaso rin sa 10 EMBO barangay na sinasabing isasampa rin sa pagdinig sa Senado.

Pero, ang mabigat ay ang kaso na isinampa ng Philippine InfraDev Holdings Inc., contractor ng pumalpak na $3.5 bilyong Makati Subway Project.


----$$$--


NAGSAMPA ang naturang korporasyon ng arbitration proceedings sa Singapore International Arbitration.

Hiniling ng InfraDev sa international arbitration na ibalik ng Makati City ang nagastos nitong P44 bilyon sa Makati City Subway Project.


----$$$--


NATIGIL ang proyekto dahil naging “unfeasible” ang proyekto sanhi ng desisyon ng Supreme Court sa jurisdiction ng 10 enlisted men’s barrios o EMBOS.

Ayon sa auditor ng kampanya, nalugi ang InfraDev ng P44 bilyon sa proyekto – P39 bilyon sa pagbili ng 8,413 ektarya ng lupain noong 2024 na ngayon ay nasa hurisdiksyon ng Taguig City at P5 bilyon sa development cost tulad ng architectural design at master planning ng subway.


-----$$$--


PINALALA ito nang maghain naman ng kasong kriminal at administratibo sa Office of the Ombudsman sina Emilyn Borromeo Cacho at Joahanna Gallardo Junio laban kay Binay sa pagsasara ng mga pasilidad sa 10 EMBO barangay kahit legal na napasakamay ito ng Taguig City.

Residente si Cacho ng Barangay South Cembo, Taguig City at si Junio naman sa Barangay East Rembo na nagreklamo dahil hindi na nila nagamit ang pasilidad.


----$$$---


AYON kay Cacho, hindi siya nakapagpagamot sa health center sa Barangay South Cembo dahil isinara kaya nabigo siyang makakuha ng maintenance medication.

Sinabi naman ni Junio na isa siyang cancer survivor na hindi nakagamit ng mga pasilidad ng East Cembo dahil isinara rin ni Binay.


----$$$--


KABILANG sa mga nakaranas ng negatibong epekto sa pagsasara ng pasilidad ang ilang vulnerable sector tulad ng senior citizens, mga buntis, persons with disabilities.

Mahalagang maayos agad ang gusot na ito.


----$$$--


UMAASA ang mga residente ng Makati at Taguig na mareresolba na ang sigalot sa dalawang siyudad matapos ang eleksyon.

Malinaw na apektado rito ang ordinaryong mamamayan na nagbabayad ng buwis pero hindi nabibiyayaan ng programa ng pamahalaan.


Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page