top of page
Search
  • BULGAR

Makalusot lang sa EDSA bus lane… DRAYBER NA GUMAMIT SA NAME NIYA, PINAKAKASUHAN KAY SEN. BONG

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | November 20, 2023



Marami ang nagpapayo kay Sen. Bong Revilla, Jr. na kasuhan ang driver na gumamit sa kanyang pangalan para lang makadaan sa bus lane sa EDSA.


Na-bash nang husto si Sen. Bong dahil mabilis na kumalat at nai-report agad ng media ang nasabing insidente. Agad-agad na nilinaw ni Sen Bong na nasa Cavite siya nang maganap ang diumano’y pagdaan ng sasakyan niya sa bus lane ng EDSA. Nilinaw niyang hindi siya nagagawi sa EDSA bus lane.


Sinita rin ni Sen. Revilla ang pamunuan ng MMDA dahil sa pinalusot nila ang driver na nag-name drop sa kanya. Agad namang humingi ng dispensa kay Sen. Bong ang MMDA sa kanilang pagkukulang.


Ganunpaman, marami ang nagpapayo kay Sen. Bong na kasuhan ang driver na gumamit sa kanyang pangalan upang makalusot sa bus lane ng EDSA.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page