top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Makakansela ang lisensiya ng Foster Parent kapag lilipat ng ibang bansa

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 19, 2022
1 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | February 19, 2022



Dear Chief Acosta,


Isa akong lisensiyadong foster parent na nangangalaga sa 13 years old na bata.


Nais ko lang malaman kung mawawala ba ang lisensiya ko bilang foster parent kung ako ay magma-migrate sa ibang bansa? - Kim


Dear Kim,


Para sa inyong kaalaman, ang batas na nakasasaklaw sa inyong sitwasyon ay ang Rule 11.4 ng Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Republic Act (R.A.) No. 10165, o mas kilala sa tawag na Foster Care Act of 2012, kung saan nakasaad na:


“11.4. Revocation of Foster Family Care License. – The DSWD Field Office shall investigate any report that the placement is detrimental to the Foster Child. It shall revoke the Foster Family Care License upon the recommendation of the Social Worker confirming the existence of any of the following circumstances:

x x x


(e) Permanent departure or transfer of the Foster Parent(s) to another country;”


(Binigyang-diin)


Sang-ayon sa nabanggit, ipinag-uutos ng batas na ma-revoke o makansela ang lisensiya ng foster parent kung siya ay permanenteng aalis o lilipat na sa ibang bansa.


Ibig sabihin, mawawala o makakansela ang lisensiya ninyo bilang foster parent kung kayo ay magma-migrate o permanenteng lilipat ng inyong paninirahan sa ibang bansa.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang inyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa impormasyong inyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng inyong salaysay.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page