top of page

Parehong game na game sa tikiman… RHIAN AT JC, BAGONG BEA AT JOHN LLOYD

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 31
  • 4 min read

Updated: Aug 5

ni Janiz Navida @Showbiz Special | July 31, 2025



Photo: JC Santos at Rhian Ramos - IG



Tiyak na tuwang-tuwa sina Rhian Ramos at JC Santos sa magandang reception ng mga nanood sa premiere night ng first movie team-up nilang Meg & Ryan na mula sa Pocket Media Films and directed by Direk Catherine “CC” Camarillo na ginanap last Tuesday sa SM Megamall Cinema 3.


Ilang beses nagtilian at nagpalakpakan ang mga fans sa mga super-kilig na eksena nina Rhian at JC. At hanggang nu’ng mag-CR kami after ng screening, puring-puri ng mga nakasabay namin ang movie at iisa ang sinasabi nila — maganda ito at gusto nila ng Part 2.


Totoong malakas ang chemistry nina JC at Rhian kahit first time nilang nagsama, patunay na magagaling talaga silang aktor at aktres. 


At kahit pa alam naman nating lahat na may kani-kanya silang partner in real life, kikiligin ka pa rin sa kanila at madadala ka sa kanilang mga eksena.


Nang makita nga namin ang BF ni Rhian na si Sam Verzosa habang palabas ng sinehan, tinanong namin ang reaksiyon nito sa napanood at nakangiti lang niyang sabi, “Okay lang, sanay na ako,” na malamang, ang tinutukoy ay ang ilang beses na kissing scenes at may bed scene pa sina Rhian at JC.


At hindi lang basta kilig ang hatid nina Rhian at JC, may lalim ang akting nila na very natural at tumatagos sa puso na hindi pilit.


Ewan kung kami lang ang naka-feel na mala-Bea Alonzo at John Lloyd Cruz level ang kilig vibes at acting nila sa Meg & Ryan and we’d say na sa tatlong movies na idinirek ni

Direk Catherine “CC” Camarillo na napanood namin, ito ang da best!


Ibang klase ang galing nina JC at Rhian at binabati namin si Direk CC sa pagpili sa kanila para gampanan ang role nina Meg Zamonte & Ryan Cañete sa movie.

Ang ganda rin ng story na isinulat ni Gina Marissa Tagasa at worth it ang two years na pagbuo niya bago ito maisapelikula.


Mahuhusay din sina Ms. Ces Quesada, Cris Villanueva, Jef Gaitan at iba pang supporting cast ng Meg & Ryan na showing na sa August 6. 


Kaya sa mga naka-miss sa tambalang Bea-John Lloyd, naku, don’t miss Meg & Ryan at kayo na ang magsabi kung tama o mali kami sa aming obserbasyon sa kilig at galing umarte nina Rhian at JC.



Bahay, binantaang susunugin, together again ngayon… DEMANDA KAY MARK, INIATRAS NA NI JOJO MENDREZ



HINDI na itutuloy ng singer at tinaguriang The Revival King na si Jojo Mendrez ang isinampang demanda kay Mark Herras matapos siyang pagbantaang susunugin ang kanyang bahay nu’ng panahong nagkatampuhan sila.


All’s well now between Jojo at Mark at sabi nga ng singer, mas pinili niyang magpatawad para good vibes na lang at dahil may pinagsamahan din naman sila ni Mark.


Puro positive vibes ang gustong mangyari ngayon ni Jojo lalo’t parang nag-uumpisa uli siya sa kanyang career sa pagpirma ng kontrata sa bago niyang talent management na Artist Circle Talent Management headed by Rams David.

At kahit naman si Rams, aminadong pinayuhan si Jojo na umiwas muna sa mga intriga at mag-focus na lang sa kanyang singing career lalo’t marami silang planong ilabas na kanta ng The Revival King.


Matapos ngang mainit na tanggapin ng mga tao ang revival ni Jojo ng Somewhere in My Past ni Julie Vega at original song na Nandito Lang Ako, ire-revive naman ng singer ang I Love You Boy ni Timmy Cruz. Papalitan lang daw ng “Babe” ang “Boy” para mas maraming maka-relate sa song.


Naka-line-up rin sa mga ire-record ni Jojo ang Pare, Mahal Mo Raw Ako at Tamis ng Unang Halik.     


Bukod d’yan, bentang-benta rin sa social media ang charity na ginagawa ni Jojo Mendrez kung saan bigla-bigla siyang nag-aabot ng datung sa mga nakakasalubong niya sa escalator ng mga malls, kaya ngayon ay nakikilala na rin siya bilang “Super Jojo” at sinisigawan ng mga tao na “Libre na ‘to!” kapag nakikita siya dahil mahilig din siyang manlibre sa mga nakakasabay sa public places.


Well, sabi nga ni kapatid na Morly Alinio na nagpakilala kay Jojo kay Rams David, umaasa siya na mas magiging maganda at maayos ang career ngayon ng kanyang kaibigang singer-businessman.



BALIK-SMART Araneta Coliseum ngayong gabi si Mr. Pure Energy Gary Valenciano para sa Unilab and Mercury Drug’s collab concert na Alagang Suki Fest bilang pagdiriwang ng 80 taong pagbibigay-serbisyo ng dalawang kumpanya sa kanilang mga loyal consumers.


Huli naming napanood si Sir Gary sa Big Dome nu’ng kanyang One More Time concert last December, 2024 at hinalikan pa nga ni Mr. Pure Energy ang stage kaya akala namin ay goodbye na talaga siya sa pagpe-perform.


But this time, balik-Smart Araneta nga si Gary V. at take note, kasama pa niyang magpapayanig ang pinakasikat ngayong nation’s girl group na BINI, ang bandang Mayonnaise, ang singer ng Dilaw na si Maki at ang magaling na singer-performer na si Darren.


Naku, ‘wag lang sanang uulan dahil for sure, doble traffic na naman ang dala niyan sa Cubao area lalo’t tiyak na punumpuno na naman ang Smart Araneta para sa concert na ito.


Kitakits sa mga manonood!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page