ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Oct. 7, 2024
KAYA SABAYANG KUMAKANDIDATO ANG MAGKAKAPAMILYANG PULITIKO KASI ALAM NILA NA IGNORANTE AT LOW IQ PA ANG MAJORITY NG BOTANTENG PINOY -- Sa inilabas na data ng Ipsos International na nakabase sa Paris, France noong February 2018 ay pangtatlo ang mga Pilipino sa mga lahi sa buong mundo na ignorante sa mga isyung panlipunan at sa data rin na inilabas ng World Population Review na nakabase sa California USA noong May 2023 ay number 1 ang mga Pinoy sa may low intelligence quotient (IQ) o mapurol ang utak sa mga lahi ng Southeast Asian nations.
Iyan ang dahilan kaya mas dumami ang mga magkakamag-anak na pulitiko (mag-asawa, kanilang mga anak at mga kapatid) ang sabayang kakandidato sa May 2025 midterm elections kasi alam ng mga magkakapamilyang politician na sila ay mananalo sa halalan gamit ang mga sikat nilang apelyido dahil alam nila na ang majority ng botanteng Pinoy ay mga ignorante at low IQ o mapupurol pa ang mga utak, boom!
XXX
HINDI LANG ‘KAMAG-ANAK INC.’ NI VILMA SANTOS-RECTO ANG DAPAT I-BASH, KUNDI LAHAT NG PULITIKONG MAY POLITICAL DYNASTY -- Unfair ang pamba-bash ng netizens sa political dynasty ng mag-iinang Vilma Santos-Recto (for Batangas governor), Luis Manzano (for Batangas vice governor) at Ryan Santos Recto (for Batangas 6th district congressman) na sabayang kakandidato sa May 2025 midterm elections.
Unfair kasi sa totoo lang, hindi lang naman sila ang may “Kamag-anak Inc.” na sasabak sa darating na halalan, kundi napakarami pa.
Ang nais nating ipunto rito ay hindi lang sina Ate Vi ang dapat i-bash, kundi lahat ng may “Kamag-anak Inc.” na sabayang kakandidato sa eleksyon, period!
XXX
KAYA ANG DAMING MAGKAKAMAG-ANAK, CELEBRITY AT VLOGGERS NA GUSTONG MAGING SENADOR AT KONGRESISTA KASI MAY PERA SA SENADO AT KAMARA -- Bakit ba sangkaterbang pami-pamilya, pati mga celebrity at vloggers na wala namang kaalaman sa paggawa ng batas ang nagsipag-file ng kandidatura sa pagka-senador, district congressman at partylist representatives?
Kung babalikan natin ang isyung P10 billion pork barrel scam ni Janet Napoles noong year 2013, at ang ibinulgar ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong na may pork barrel pa rin, at ang mga pork barrel politician ay may tinatanggap na standard operating procedure (SOP) na mas kilala sa tawag na kickback, ay isa lang ang ibig sabihin niyan, may pera sa Senado at Kamara, boom!
XXX
DAPAT IPAHULI NI GEN. MARBIL ANG MGA ‘TONGPATS COLLECTOR’ NA SINA ALYAS ‘RANIEL’ AT ‘PATRICK’ - -Ginagamit daw nina alyas "Raniel" at "Patrick" ang pangalan ng ilang high ranking officials sa Camp Crame sa pagkolekta ng payola sa mga ilegalista sa Central Luzon.
Dapat ipahuli ni PNP Chief Gen. Rommel Marbil sina "Raniel" at "Patrick" kasi kasiraan sa mga opisyal ng Camp Crame ang ginagawa ng dalawang “tongpats collector” na ito, period!
Comments