MAINE, NO COMMENT SA PAGBOYKOT NG ALDUB FANS SA MGA SHOWS NIYA
ni Nitz Miralles - @Bida | October 21, 2021

Speechless at naiyak si Maine Mendoza nang marinig ang mga papuri sakanya ni Vic Sotto na gumaganap na kanyang ama sa sitcom na Daddy’s Gurl.
Sabi kasi ni Vic, “Very good si Maine” kahit noong nagsisimula pa lang ang AlDub.
“We knew she has the talent at na-witness namin ang pag-evolve niya as an actress and host. Hindi niya kailangang bigyan ng pointers o tips dahil natural na lumalabas ang galing niya, sa comedy man o serious acting. She’s very well-rounded and talented,” pahayag ni Vic na nagpa-speechless kay Maine.
Three years na ang Daddy’s Gurl at mag-a-update na ang mga karakter nito at sa kaso ni Maine na gumaganap na si Stacy, magkakaroon ng boyfriend ang karakter niya. Sorry sa AlDub fans at sa ArMaine fans nina Maine at Arjo Atayde dahil ibang aktor ang napili to play her BF. Ang naturang aktor ang napili sa mga nag-audition at ang clue lang ni Director Chris Martinez ay “bagu-bago” ang aktor.
Patuloy palang bino-boycott ng ilang AlDub fans ang Daddy’s Gurl at pati nga Eat... Bulaga!, pero marami pa rin ang mga viewers ng dalawang shows. Heto nga at three years na ang Daddy’s Gurl.
Maganda ang ginawa ni Maine na hindi nag-comment when asked about the boycott.
“I invoke my right to remain silent para walang isyu,” ang sagot nito sa tanong, pero tiyak na may mga magre-react pa rin.





Comments