top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

MAINE AT ARJO, NAGPAKALIGAYA SA SIARGAO

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 7, 2021
1 min read

ni Nitz Miralles - @Bida | November 7, 2021





Nasa Instagram ni Maine Mendoza ang photo nila ni Arjo Atayde habang nagbabakasyon sa Siargao at para roon ituloy ang celebration ni Arjo na 31st birthday last November 5.


“Happy birthday” lang ang caption ni Maine sa larawan nila ni Arjo na kinakiligan ng ArMaine fans nila at ayaw namang paniwalaan ng ilang AlDub fans. Ito’y kahit “happy for you guys” ang comment ng mga taga-showbiz kina Maine at Arjo.


As usual, may mga nagsasabi pa ring edited at fake ang photo nila ni Arjo na ipinost ni Maine.


Lihis ito sa narrative nila na hindi fake na tao si Maine. Ibig sabihin, hindi papayag si Maine na edited at fake ang photos na ipo-post sa kanyang IG feed.


Sa birthday salubong pa lang para kay Arjo, magkasama na sila ni Maine sa bahay ng aktor, kasama siyempre ang pamilya nito at ilang kaibigan. Sa video, makikitang komportable si Maine sa piling ng family and relatives ni Arjo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page