top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Mahilig daw talaga sa chicks... DOMINIC, NAG-POST NA MAY KASAMANG IBANG BABAE, BINASH NG FANS NI BEA

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 15, 2024
1 min read

ni Nitz Miralles @Bida | March 15, 2024



                                                                                                                                                              

Hiwalay na sina Bea Alonzo at Dominic Roque at ibig sabihin, puwede na silang makitang may kasamang opposite sex na hindi naman ibig sabihin ay nililigawan ni Dominic o manliligaw ni Bea.


Kaya lang, tila may pagseselos ang fans sa girls na nakakasama ni Dominic sa kanyang mga ganap..


Gaya na lang sa post ni Dominic kasama ang mga kaibigang naglaro ng tennis. Grabe ang reaction ng netizens at iniisip agad na nililigawan ni Dominic ang mga babae at pinalitan na si Bea.


Comment ng isa, mahilig daw sa babae si Dominic at mabuti na hiniwalayan siya ni Bea. Batay lang ito sa picture na ipinost ni Dominic kasama ang partner sa tennis pero pinag-isipan agad ng iba. Sinabihan pa si Dominic na sumikat lang dahil dumikit kay Bea, na inalmahan naman agad ng mga supporters ni Dominic.


Tigilan daw nila si Dominic na masaya sa buhay niya ngayon kasama ang pamilya at mga kaibigan.


Maganda naman ang comment ng isa na bakit hindi na lang magsama sa paglalaro ng tennis sina Dominic at Bea dahil padel tennis naman ang nakakahiligan ngayon ng aktres lalo na at may mga bali-balitang nag-uusap at nagkikita nang palihim ang dalawa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page