top of page
Pokwang.jpg

Mahigit isang buwan sa ospital… LANI AT MISTER, NA-FOOD POISON, NABINGI

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 8, 2020
1 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | December 8, 2020




Hindi COVID-19 kundi food poisoning ang naging dahilan ng pagkakaospital ng Asia's Nightingale na si Ms. Lani Misalucha.


Nakibalita kami sa isang close kay Ms. Lani sa kondisyon nito dahil matagal-tagal na nga rin siyang wala sa The Clash ng GMA-7 bilang isa sa mga judges kasama sina Christian Bautista at Ai Ai delas Alas at pansamantala siyang pinalitan ni Pops Fernandez.


Ang info na itsinika ng aming source, more than a month palang na-confine sa St. Luke's BGC si Lani at ang asawang si Nolie dahil na-food poison sa meat na nakain nila. Magkasama sila sa isang room.


Actually, katatapos nga lang daw ma-heart bypass ng mister ni Lani, tapos ay nalason naman at ang naapektuhan daw sa kanila ay ang kanilang tenga kaya nabingi sila nang bongga, bukod sa hilung-hilo sila.


But thankfully, nakalabas na rin sila sa ospital, though bumabawi pa yata ng lakas kaya 'di na nakabalik ang Asia's Nightingale sa The Clash.


So, sa mga nagpapakalat ng fake news na COVID ang naging sakit ng mag-asawa, eh, ayan na po ang tunay na rason.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page