Mahigit 20 years sa show… RUBY, OUT SA EAT BULAGA!, SA TATE NA NAGTATRABAHO
- BULGAR
- May 27, 2021
- 1 min read
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | May 27, 2021

Nawala man ang comedienne na si Ruby Rodriguez sa Eat… Bulaga! hindi nagtapos ang kanyang showbiz career.
Nakalabas pa siya sa ilang shows ng GMA-7 tulad ng Owe My Love.
Although, mahigit na dalawang dekada siyang naging bahagi ng EB!, naiintindihan naman ni Ruby kung bakit kailangang magbawas ng hosts ang nasabing longest-running noontime show.
After all, marami namang naibigay na benepisyo sa kanya ang EB! at malaking tulong sa kanyang pamilya ang pagiging host nito. Nagkaroon pa siya ng chance na makapunta ng Amerika nang libre dahil bonus sa kanila ito ng TA.P.E. Inc. Productions na producer ng EB!.
Nabuo rin ang malalim na friendship nina Ruby at Pauleen Luna dahil sa Eat…Bulaga!. At BFF sila hanggang sa makasal na si Pauleen kay Bossing Vic Sotto.
Naging bahagi muna ng rom-com na Owe My Love si Ruby bago siya lumipad papuntang USA.
Ngayon ay nagtatrabaho si Ruby sa Philippine Consulate General Office sa Los Angeles, California, USA. Panibagong chapter ito sa buhay ng comedienne-TV host. Pansamantalang iiwan ni Ruby ang buhay-showbiz.
For sure, mami-miss siya ng BFF niyang si Pauleen Luna.





Comments