Magti-30 na, pagbigyan naman daw siya… ALDEN, GAME NANG MAGKA-JOWA
- BULGAR
- Oct 16, 2021
- 2 min read
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | October 16, 2021

Kahapon nang umaga ay nag-renew si Alden Richards ng kanyang exclusive contract sa GMA-7 at bongga ang contract-signing dahil ginanap pa ito sa EDSA Shangri-La Hotel sa Mandaluyong followed by a virtual mediacon.
Sa kanyang pagpirma ng panibagong kontrata, looking forward ang Asia’s Multimedia Star sa mga bagong proyekto na gagawin niya na aniya ay hindi pa niya naipapakita sa manonood.
“I’m more experimentative into taking on different projects as of now and siguro, leaning towards creating projects like acting pieces where I can use it to, you know, para puwede natin siyang maipadala sa mga international award-giving bodies and also to be able to experience something new din on me,” sey ng aktor sa virtual mediacon.
Kung sa nakalipas na 10 years ng kanyang career ay lagi raw good boy ang kanyang papel, ngayon ay edgy roles naman ang gusto niyang gawin.
“And ‘yung mga risky. Medyo mag-risk na tayo nang konti when it comes to taking on roles. Para hindi naman tayo boring panoorin, hindi naman tayo parang ‘Ay, nakita ko na ‘yan.’ ‘Yung mga ganu’ng moments ng mga manonood natin.
“So, I think, now is the time since hindi na rin naman ako bumabata. I’m turning 30 na in January po, so parang ‘yun ‘yung isa sa mga bagay na gusto kong magawa sa ngayon and improve on,” aniya.
At ang first project na makikitaan si Alden ng malaking pagbabago sa karakter ay sa pagbabalik ng seryeng The World Between Us ngayong November.
“This November, may patikim na ng parang Alden version 2.0, parang ganu’n,” sambit ng aktor.
Nang matanong naman kung kailan niya pagtutuunan ng pansin ang kanyang love life, ayon sa aktor ay nandu’n na raw siya sa puntong ‘yun.
“Actually, nandoon naman po ako, kasi ‘yun nga po, magti-thirty na ako next year and siyempre, ‘yung priorities natin, nag-iiba na. Parang I’ve already done quite a huge part for the lives of the people close to me. Parang it’s about time naman na ako naman,” he said.





Comments