Magsayo, undercard sa laban ni Pacman; Slaughter balik U.S.
- BULGAR
- Jul 7, 2021
- 2 min read
ni MC - @Sports | July 05, 2021

Isa pang Filipino fighter na tinuturuan ni Freddie Roach ang sasabak bilang undercard sa Manny Pacquiao vs Errol Spence Jr, bout sa August 21. Kasado na umano ang laban ni undefeated Filipino fighter Mark Magsayo vs Mexican Julio Ceja sa WBC featherweight elimination match na gaganapin sa T-Mobile Arena sa Las Vegas.
Nasa ilalim ng promosyon ni Manny Pacquiao, nakalista si Magsayo (22-0, 15 KOs), bilang no. 5 sa WBC 126-pound rankings habang si Ceja (32-4-1, 28 KOs) ay No. 11 sa WBC featherweight contender. Ang magwawagi sa laban ay magkakaroon ng pagkakataon na lumaban kay long-reigning WBC featherweight champion Gary Russell Jr. (31-1, 18 KOs).
Matatandaang tinalo ni Magsayo, 26, si Pablo Cruz ng Mexico (21-4, 6 KOs) sa fourth round ng kanyang non-televised eight-rounder fight noong April 10 sa Mohegan Sun Arena sa Uncasville, Connecticut. Si Roach ang humahawak sa ensayo nina Magsayo at Pacquiao. Si Ceja, 28, may 0-2-1 record sa kanyang huling laban, pero muntik na nitong talunin si dating WBC super bantamweight champion sa kanyang last fight.
Sa main event, ipagtatanggol ni Spence (27-0, 21 KOs) ang kanyang IBF at WBC welterweight titles kontra sa legendary boxer na si Pacquiao (62-7-2, 39 KOs).
Samantala, pasimpleng umalis ng bansa si NorthPorth big man Greg Slaughter noong isang buwan upang pumunta sa US para sa kanyang vaccination, ayon sa sources. Mas pinili umano ng 7-foot center na gawin ang kanyang bakuna sa America gaya ng ibang players. Wala pa umanong timetable sa kanyang pagbabalik sa bansa. Ayon pa sa source, hindi pa sinasagot ni Slaughter ang text message ng NorthPort management kung kailan ito babalik sa bansa.
Bago pumunta sa US, nakapag-ensayo pa si Slaughter, 33, kasama ang Batang Pier sa kanilang 5-on-5 scrimmages sa Batangas City sa loob ng dalawang linggo. Bukod kay Slaughter, ang iba pang PBA players na nagpa-vaccine sa US ay sina Chris Banchero, Marcio Lassiter, LA Tenorio, at rookie Mikey Williams.





Comments