top of page
Search
  • BULGAR

Magpapanggap na first time job seeker para makalibre ng NBI requirement mananagot sa batas!

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | October 28, 2020



Dear Chief Acosta,


Nais kong makalibre sa pagkuha ng National Bureau of Investigation (NBI) Clearance ngunit ako ay dati nang nakapagtrabaho. Kung palalabasin ko na first time job seeker ako, magkakaroon ba ako ng pananagutan sa batas? – Danny


Dear Danny,


Para sa inyong kaalaman, ayon sa Seksiyon 5 ng Republic Act (R.A.) No. 11261, o mas kilala bilang First Time Jobseekers Assistance Act, maaaring papanagutin sa batas ang sinumang magpapalabas na first time job seeker. Ayon sa nasabing batas:


Section 5. Proof of Eligibility. - First time jobseekers availing of the benefits provided under this Act shall present a barangay certification stating that the applicant is a first time jobseeker: Provided, that any person found guilty of fabrication or falsification shall be liable under the Revised Penal Code.”  (Binigyang-diin)

Samakatwid, kung palalabasin ninyo na kayo ay unang pagkakataon pa lamang na magtatrabaho upang makalibre sa pagkuha ng National Bureau of Investigation (NBI) Clearance, maaari kayong maparusahan sang-ayon sa ating Revised Penal Code.


Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyon na ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.

Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page