top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Magnitude 6, yumanig sa Eastern Samar

Writer: BULGAR
BULGAR
May 5
1 min read

ni Jeff Tumbado / Mai Ancheta @News | May 5, 2026



Magnitude 6 Eatern Samar - Phivolcs

Photo: Phivolcs



Ibinaba sa magnitude 6 mula sa magnitude 6.1 ang naitalang lindol sa San Julian, Eastern Samar kahapon ng alas-2:09 ng hapon.


Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), ang malakas na lindol ay naitala sa hilagang kanluran ng San Julian.


Naitala ang Intensity 5 sa Eastern Samar; Intensity 4 sa mga bayan ng Abuyog, Palo, at Carigara sa Leyte; Intensity 3 sa ilang mga bayan sa Southern Leyte at mas mababang pagyanig sa iba pang mga lugar sa Visayas.


Samantala, ilan sa mga lugar na napinsala ay ang San Pedro Calungsod Church kung saan nagsitumba ang ilang mga imahe at may mga ulat din na mga bitak-bitak na dingding at ilang kalsada sa Catbalogan.


Inabisuhan ang mga residente na manatiling naka alerto sa posibleng mga pinsalang dulot ng lindol at asahan ang mga aftershock.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page