ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | Nov. 25, 2024
Dear Chief Acosta,
Nagtatrabaho ako bilang isang Overseas Filipino Worker (OFW) sa Hong Kong. May lupa akong naipundar sa Batangas. Noong ako ay umuwi sa Pilipinas, gumawa ako ng Special Power of Attorney (SPA) para maibenta ang lupang iyon at magamit ko ang perang mapagbebentahan bilang panimula ng isang negosyo. Nagulat na lamang ako na sa halip na ibenta ay isinangla pala ng kapatid ko ang lupang iyon. Maaari niya bang gawin iyon? — Gilliane
Dear Gilliane,
Una sa lahat, alamin muna natin ang konsepto ng tinatawag na Special Power of Attorney (SPA). Ang SPA ay isang dokumento na ginagawa ng principal upang mabigyan niya ng karapatan ang kanyang kinatawan na makipagtransaksyon sa ngalan niya. Ang dokumentong ito ay importante dahil ito ang nagpapatunay na pumapayag ang principal na siya ay katawanin ng tinatawag na agent.
Kaya ito tinatawag na SPA ay dahil nakasaad dito ang mga partikular na transaksyon kung saan pumapayag ang principal na siya ay katawanin ng agent. Nakasaad sa Article 1878(5) ng New Civil Code na kailangan ang SPA para ang kinatawan o agent ay makapasok sa isang kontrata na nakakaapekto sa pagmamay-ari ng lupa. Bukod pa rito, nakasulat sa Article 1879 ng New Civil Code na:
“ARTICLE 1879. A special power to sell excludes the power to mortgage; and a special power to mortgage does not include the power to sell.”
Kaya naman, kung ang principal ay gumawa ng SPA kung saan pinapayagan niya na ibenta ng kanyang kinatawan ang lupa ay hindi nangangahulugan na maaari ring isangla ng agent ang lupang iyon. Kung ang isinulat naman ng principal sa SPA ay pumapayag siya na isangla ng agent ang lupa sa kanyang ngalan, ay hindi nangangahulugan na maaaring ibenta ng agent ang nasabing lupa. Samakatuwid, kung ano lang ang partikular na inilagay ng principal sa SPA ay iyon lang din ang maaaring gawin ng agent.
Sa iyong sitwasyon, nakasaad sa SPA na iyong ginawa na binibigyan mo ng karapatan ang kapatid mo na ibenta ang lupain mo sa Batangas. Kaya, maaaring hindi tama ang kanyang ginawa na sa halip na ibenta ay isinangla niya ito dahil malinaw ang nakasaad sa iyong SPA na ang ibinibigay mo sa kanyang karapatan ay magbenta at hindi magsangla. Lumampas sa kanyang awtoridad ang iyong kapatid nang isangla niya ang iyong lupa, sa halip na ibenta ito. Dahil dito, maaari mong kuwestiyunin ang pagsangla na ginawa ng iyong kapatid.
Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.
Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.
A corporate entertainment magician adds a touch of magic to business events, leaving audiences captivated and engaged. Specializing in tailored performances, they skillfully combine humor, sleight-of-hand, and audience interaction to create unforgettable experiences. Whether it’s a company gala, product launch, or team-building event, these magicians provide unique entertainment that breaks the ice and fosters connection among attendees. Their expertise lies in blending professionalism with enchantment, making them ideal for corporate settings. By incorporating brand messages or company themes into their acts, a corporate entertainment magician ensures the performance resonates with the audience, leaving a lasting impression of both magic and business excellence.