top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Magkaapo lang daw dahil inip na inip na… SHARON, TANGGAP KAHIT MAGPA-SURROGATE NA LANG SI KC

  • BULGAR
  • Mar 25, 2021
  • 1 min read

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | March 25, 2021




Tuwang-tuwa na naman ang mga solid fans nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion nang mag-post si Megastar ng larawan nila with daughter KC Concepcion na para silang isang happy family.


Sa caption, ani Sharon, “This girl is the very best ‘thing’ we ever did together. (heart, praying hands and smiling face emoji) @itskcconcepcion. Right, Papi?” at nilagyan pa ng hashtag na #oncewewerefamily. Naka-tag din si Gabby sa kanyang post.


Sa comment section ay may nagkomento ng “Sana magka-movie na ulit kayo ni Gabby,” na sinagot naman ng Megastar ng “Siya lang hinihintay naming lahat.”


Comment naman ng isa pang fan, “Omggg happy family.”


Sagot ni Shawie, “Family only. Nawala 'yung happy.”


Sey naman ng isa pa, “Papi sa'n na u? @concepciongabby.”


Sumagot ulit si Mega at aniya, “Isnabero 'yan 'di ko nga 'lam bakit, eh, 'lam ko, okay naman kami! 'Di ko na 'lam!”


Pero ang mas ikinaaliw ng marami ay ang sagot ni Sharon sa komentong sana raw ay magkaapo na siya.


“Inip na inip na nga ako! Kahit magpa-surrogate na lang si Kayce, masaya na ako basta eggs niya!” sabi ni Sharon.


Kunsabagay, 35 years old na rin si KC and Sharon is 55, kaya hindi mo naman masisi na naiinip na talaga siya na makita ang anak ng kanyang panganay.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page