top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Magiging Chief of Staff ang Winner sa ONE Apprentice

  • BULGAR
  • Apr 28, 2021
  • 2 min read

ni MC - @Sports | April 28, 2021




Sa Episode 6 ng “The Apprentice: ONE Championship Edition” na inere sa AXN noong Huwebes, ibinunyag ni ONE Championship Chairman at CEO Chatri Sityodtong na ang magwawagi sa reality TV show na ito ay hindi lang makatatanggap ng US $250,000 job offer bilang business protégé sa organisasyon kundi magiging Chief of Staff pa ng ONE.


Pagbalik sa Singapore, naging bahagi sina dating ONE Welterweight World Champion Ben “Funky” Askren at reigning ONE Heavyweight World Champion Brandon “The Truth” Vera bilang quiz candidates sa isang spin-the-wheel trivia game.


Isa si Askren sa pinakadominanteng world champions sa ONE Championship history. Dating US Olympian, dinepensahan ang ONE World Title ng 4 na beses mula 2014 to 2017, sa bisa ng kanyang world-class wrestling skills, nakabibilib ang top game at “funky” fighting style unique bilang ultra-talented American.


Samantala, hindi naging malakas ang dating ni Pinoy bet Louie Sangalang sa Episode 5 ng The Apprentice: ONE Championship Edition.


Hindi man naging magilas sa Team Valor business challenge si Louie ay hindi siya pinanghinaan. Sa halip pinagbuti niya ang laban sa isang high-stakes game ng physicall challenges maging ang business competitions upang mapagsikapang maging protege ni ONE Championship chairman at CEO Chatri Sityodtong sa ONE Championship Global Headquarters sa Singapore sa loob ng isang taon.


"Because you're not seen, you're at the backend, there's a tendency for people to disregard your contributions," ayon kay Sangalang nang masalang sa Boardroom.


Naging malakas man ang kanyang simula, hindi umubra sa Team Valor ang kakayahan ni Sangalang. Pero pagdating sa dragon boat challenge, inubos ng 43-year-old procurement consultant ang kanyang lakas para tulungan sa pagsagwan ang teammate na si Eugene Chung, Monica Millington, at Irina Chadsey pero nalupig ng Team Conquest.


Pero nakabawi at nagwagi ang Team Valor, sa product challenge task kaya buhay pa ang kampanya ng Pinoy. "I will no longer tolerate mediocrity. I will no longer tolerate floaters. I will no longer tolerate anything less than excellence," saad ni Sityodtong matapos ang business challenge. "


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page