Maganda na, ipinagpalit pa kay Julia… SIGAW NI LOLIT: BEA, INSECURE AT POWER TRIPPER!
Updated: Jun 9, 2022
ni Janiz Navida - @Showbiz Special | June 7, 2022

Hindi pa rin pala humuhupa ang sama ng loob ng talent manager-TV host-columnist na si Manay Lolit Solis kay Bea Alonzo dahil may panibago na naman siyang banat sa Kapuso actress sa kanyang latest Instagram post.
Mababasa sa IG post ni Manay, “Sa isang babae, Salve, malaking stigma na iwanan ka ng BF mo, at mas malaki pang insecurity iyon ipagpalit ka. Sana, kundi ang build-up sa iyo ay maganda ka, sikat, at talented."
May sumbat din si Manay Lolit kay Bea sa isyung 'ipinaharang' daw sila sa isang presscon kaya 'di sila na-invite.
"At mas lalong malaking issue 'yung gamitin mo ang illusionary power mo para ipa-cancel ang invitation sa presscon ng producer mo."
Kasunod nito ay ang mga kumukurot sa butong banat na ni Manay Lolit sa aktres.
Aniya, “Iyan si Bea Alonzo, ang sabi maganda, yummy, talented na star, pero ghosting at ipinagpalit ni Gerard Anderson kay Julia Barretto.
"Iyan si Bea Alonzo, ang nag-request na huwag tayong isali sa invited press ng Beautederm dahil ayaw niyang makita tayo nina Gorgy, Salve.
“Si Bea Alonzo na akala mo sweet face, mabait at maganda ang character, pero gusto ng power tripping, at feeling insecure na iniwan ni Gerald para sa mas bata at magandang si Julia Barretto."
Pati ang pagka-late ni Bea sa launching presscon niya as endorser ng Beautederm ay binalikan ni Manay Lolit.
“Now, alam mo na Gorgy at Salve, na 'pag gusto ni Bea Alonzo na maghintay ang press ng 2 oras, na lunch ang invitation pero abutin ng merienda, kaya niyang gawin. Na si Bea Alonzo ang pinaka-super Megastar of All Season dahil nagagawa niyang maghintay ang press ng 2 oras.
“Na kahit sina Marian Rivera at marami pang ibang endorsers ng Beautederm, siya dapat hintayin ng 2 oras.
"WOW! Now you know na, kaya BOW ka kay Bea Alonzo. Pero mas hanga ka kay Julia Barretto dahil meron siyang Gerald Anderson, hah-hah, iyon ang trophy niya na wala si Bea, bongga!”
Hmmm… Hindi kaya naba-bothered si Bea na isang veteran reporter na maituturing nang isa sa mga haligi ng showbiz ang may sama ng loob sa kanya?
Madali naman sanang maaayos ang gusot kung may pagpapakumbaba at pagpapatawad lang.
Sabi nga, kung makukuha naman sa maayos na pag-uusap, bakit kailangan pang maging big deal?
Naaalala n'yo pa ba 'yung kantang Sa 'Yo ng Silent Sanctuary na halos isang dekada na mula nang mai-release at naging national anthem ng mga nagmamahalan pero 'di makapag-decide kung magsasama ba sila?
Well, ginawan ito ng sariling rendition ng mga baguhang young singers ngayon na sina Pipah Pancho and Nonoy Peña under Ivory Music.
Si Pipah ay nagsimulang gumawa ng mga covers ng local and international songs during the quarantine at ngayon ay may mahigit 1.5 million followers na siya sa TikTok and more than 290k YouTube subscribers.
Pipah signed with Ivory Music last December, 2021 and has recently released her first single titled Single Pa Rin on Valentine’s Day through music streaming platforms.
Isinulat niya ang kanta from the point of view ng isang single na umaasa at naghihintay ng perfect person na darating sa tamang panahon.
Samantala, si Nonoy Peña naman, ang Bicol’s YouTube sensation, ay unang nakilala sa kanyang version ng kanta ni Shania Twain na You’re Still The One.
Nakuha rin niya ang atensiyon ng mga music lovers sa kanyang rendition ng mga kanta ni Kenny Rogers, ng The Carpenters at ni Mariah Carey, kung saan umaabot sa 500,000 views per video and with over 400,000 YouTube subscribers ang kanyang mga kanta.
Nonoy signed with Ivory Music on November 27, 2020. He released his latest single Puso, an OPM ballad written like a love letter last February 18 on all music streaming platforms.
Nang malaman ni Pipah na magko-collab sila ni Nonoy sa kantang Sa 'Yo, tuwang-tuwa ito at todo-pasalamat sa Ivory Music sa pagbibigay sa kanya ng opportunity, at halos ganu'n din naman ang naramdaman ni Nonoy.
Nang matanong about their future plans sa kanilang singing career, sabi ni Pipah, gusto pa niyang gumawa ng maraming kanta para sa kanyang mga fans, habang si Nonoy, pangarap na magkaroon ng original single and album at makapag-perform sa mga concerts, TV shows and movies.
Well, kung gusto n'yo pang mas makilala sila, follow n'yo lang ang kanilang mga social media accounts.
Kahit nagbalik na ang mga sinehan, parang mas nasanay na ngayon ang mga manonood sa mga online streaming platform.
Kaya naman, no wonder na nakakita ng opportunity ang ilang negosyante na mag-create pa ng mga streaming platform na tatangkilikin ng mahihilig manood ng mga pelikula, mapa-local man o international.
Ang latest, nagkaroon ng contract signing ang AQ Entertainment and Prime Stream, Inc. kasama ang representatives ng SBT Entertainment at MBC Plus para sa bagong online streaming platform.
Pumirma sa panig ng A&Q ang CEO nitong si Atty. Aldwin Alegre at COO na si Atty. Honey Quiño. Naka-Barong Tagalog namang pumirma ang mga Koreanong sina Danny Seo at Lee Kwang Rok para sa SBT at MBC.
Inaasahan ng dalawang panig ang tagumpay ng pinakabagong streaming platform sa Pilipinas na magagamit din sa ibang bansa gaya ng Korea.
Ginanap ang grand launch ng AQ Prime Stream sa Conrad Manila nitong June 4 at dinaluhan ng mga celebrities, media at cast and crew ng mga pelikulang magiging unang pasabog ng AQ Prime at Director's Cut by AQ simula ngayong Hunyo.
Kasama sa mga VIP mula Korea si Dr. David Shim, isa sa mga co-producers ng mga award-winning at critically-acclaimed na pelikulang Parasite at Gladiator starring Russell Crowe. Siya rin ang may-ari ng high-end Korean restaurant na Kiwa na matatagpuan sa Solaire. Si Dr. Shim ang president and owner of Solaire Korea.
Para sa iba pang detalye, bisitahin ang social media accounts ng AQ Prime Stream at Director's Cut by AQ.





Comments