top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Maganda kasi ang lahi… MARIAN, HUMIHIRIT PA KAY DINGDONG NG 2 ANAK

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 9, 2021
1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | November 9, 2021





Parang hindi nga hirap ang Primetime Queen na si Marian Rivera sa kanyang pagkakaroon ng dalawang anak, sina Zia at Ziggy. Hindi rin siya hirap gampanan ang kanyang role bilang fulltime mom. Naaasikaso pa rin niya ang kanyang sarili, ganu’n din ang mister niyang si Dingdong Dantes.


At may sarili pa siyang negosyo na itinayo, ang Flora Vida. Marami pa rin siyang endorsements at may hino-host siyang programa sa GMA-7, ang Tadhana.


Ramdam pa rin ang presence ni Marian kahit na wala siyang teleseryeng umeere ngayon.


Pero, ikinagulantang ng kanyang mga fans ang hirit ng Primetime Queen na gusto pa niyang magkaanak ng dalawa!


Yes! Apat daw ang gustong anak ni Marian kaya ngayong malaki na si Baby Ziggy ay gusto na niyang masundan na ito.


Sey tuloy ng mga netizens, paano pa makakabalik sa serye si Yan-Yan kung gusto pa niyang dagdagan ang mga anak nila ni Dingdong?


Sabagay, maganda naman ang lahi nila ni DD, puro tisay at tisoy ang kanilang produkto.


At mga mukhang artistahin pa!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page