top of page

Magaling nang singer, artistahin pa… MARIANE OSABEL, WINNER NG THE CLASH SEASON 4

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 21, 2021
  • 1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | December 21 , 2021





Tama ang hula ng mga viewers na tumututok sa The Clash Season 4 na babae ang tatanghaling grand winner.


At sobrang intense ang naging salpukan noong ginanap ang grand finals last Sunday.


Sa final showdown ay si Mariane Osabel ng Iligan City ang tinanghal na The Clash Season 4 Grand Champion na nagkamit ng P1 M cash at isang brand new house and lot.


Ang apat namang Clashers na pumasok sa grand finals ay nagkamit din ng tig-P100 thousand cash prize.


Maraming pabor sa pagkakapanalo ni Mariane Osabel. Bukod sa maganda ang timbre ng kanyang boses ay artistahin pa ang kanyang porma.


Inaasahan ng mga fans at supporters ni Mariane na aalagaan siya ng GMA Network at bibigyan ng magandang exposure sa All-Out Sunday at makapag-record ng mga awitin under GMA Records.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page