Mag-utol, huli sa aktong nagsa-shabu sa sementeryo

ni Maeng Santos @News | November 14, 2026

Photo: File
Tiklo ang magkapatid na lalaki nang maaktuhang sumisinghot umano ng shabu sa loob ng isang sementeryo sa Valenzuela City.
Mahaharap sa kasong paglabag sa R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang magkapatid na sina alyas Maru at Jay-R, kapwa ng Brgy. Mapulang Lupa.
Sa ulat ni Police Investigator P/MSgt. Carlito Nerit Jr. kay Valenzuela Police Chief P/Col. Joseph Talento, alas-3:20 ng madaling-araw, nagsasagawa ng Anti-Criminality Operation ang Police Sub-Station 9 nang maaktuhan ang magkapatid na bumabatak umano ng shabu sa loob ng Saint Angelus Cemetery sa Brgy. Maysan.
Nasamsam sa kanila nina Pat. Calagui at Pat. Hernandez ang mga drug paraphernalias kabilang ang may mga traces ng hinihinalang shabu.





Comments