top of page
Search
  • BULGAR

Mag-ingat pa rin kahit merong bakuna

ni Korina Sanchez - @Isyung 'K' | May 18, 2021



Balik general community quarantine (GCQ) na ulit ang NCR Plus itong Mayo 15, batay sa rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases. Papayagan na ang ilang kainan na magbukas pero hanggang 20 porsiyentong kapasidad lamang ng nais kumain sa loob ng kanilang establisimyento habang 50 porsiyento naman kung may kainan sa labas.


Kaugnay nito, sarado pa rin ang mga sinehan, videoke, bars at iba pang kaparehong establisimyento na may indoor facility. Hindi pa rin puwede ang mga meeting, conference o exhibits o sa madaling salita, papayagan na ang mga aktibidad na nagaganap sa labas ng tahanan pero hindi 100 porsiyento.


Pero may magandang payo naman si PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar, ito ay huwag maging kampante. Ugaliin pa rin magsuot ng facemask at face shield, maghugas ng mga kamay at ‘wag kalimutan ang mag-social distancing.


Hindi raw alam ng ‘COVID-19’ ang pagkakaiba ng ECQ, MECQ at GCQ, ang alam lang nito ay kung sino ang puwedeng kapitan. Kung ganyang GCQ na at dumami na naman ang mga kaso, baka bumalik lang tayo sa mahigpit na quarantine at paikut-ikot na lang.


Sa Amerika, inanunsiyo ng kanilang Center for Disease Control (CDC) na kung kumpleto na ng bakuna ay puwedeng hindi na magsuot ng facemask kahit saan — tandaan, kumpleto lang ng bakuna.


Ikinatuwa ito ng mga ‘Kano, lalo na mga napipilitan lang magsuot ng facemask. Ang mahirap lang ay hindi mo naman alam kung sino ang kumpleto na ang bakuna. Ang sa atin, kung may ayaw pa rin magsuot ng facemask at ayaw din magpabakuna, sila-sila na lang siguro ang magkakasakit kung protektado na. Ang layunin ng gobyerno ay makamit ang herd immunity ngayong Nobyembre.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page