Mag-doble ingat ang NSA's at mga atleta sa COVID-19
ni MC - @Sports | April 18, 2021

Dahil na rin sa patuloy na pagtaas sa bilang ng kaso ng COVID-19 nitong nakaraang mga Linggo, pinaalalahanan ang lahat ng mga atleta at iba pang national sports associations na mag-ingat sa COVID-19.
Matapos magpatupad ng 10-workday lockdown sa dalawang complex ng ahensiya simula noong Martes, isiniwalat ni Ramirez na isinasagawa na ang matinding disinfection sa pasilidad at pinalakas na rin ang kanilang health-security protocols.
Naalarma ang sports chief sa mataas na bilang ng tinatamaan ng COVID-19 sa kanilang huling ginawang testing. “We sent all athletes home even before the imposition of the first lockdown last year,” ani Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William Ramirez Ramirez sabay paliwanag na wala ng atleta ang nag-eensayo o nanatili sa pasilidad ng ahensya dahil ginamit ang mga ito sa isolation at quarantine ng mga may kaso ng COVID-19 sa ilalim ng “we heal as one centers.”
Ilan sa mga tulong na ibinigay ng PSC sa atleta at NSA ay ang pag-alalay sa RT-PCR testing kapag kinakailangan para sa kanilang training o kompetisyon.
Inabisuhan ni Ramirez ang lahat ng NSAs na maging maingat at laging paalalahanan ang kanilang atleta na sundin ang basic protocols: “in this case, it is better to be safe than sorry.”
Ilan sa mga sport ay nag-eensayo sa ilalim ng kanilang NSAs sa venues na hindi sakop ng pasilidad ng PSC. Upang lalong paigtingin ang paglaban ng PSC kontra COVID-19, itinalaga ni Ramirez si Assistance and Coordination Division Chief at head ng PSC Emergency Response Team, Manuel Bitog bilang head ng Risk Management Team at inatasan din si Executive Director Atty. Guillermo Iroy, Jr. na ipatupad ang mas mahigpit na protocols at palakasin ang QR code-based monitoring system sa ahensya upang mapadali ang contact tracing.





Comments