top of page
Dennis Trillo at Patrick Garcia - IG - YT Ogie Diaz.jpg

Mag-asawang titser, kinatay sa bahay

Writer: BULGAR
BULGAR
47 minutes ago
1 min read

ni Mai Ancheta @News | October 6, 2026



Mag-asawang titser, kinatay sa bahay

Photo: File



Malagim na kamatayan ang sinapit ng mag-asawang retiradong guro makaraang matagpuan ang kanilang bangkay sa loob ng kanilang tahanan na may mga tama ng saksak sa katawan at ulo sa Brgy. Poblacion 2, Banisilan, Cotabato nitong Linggo.

Kinilala ang mga biktima na sina Elsa, 82, at Edwin Galeno, 81, kapwa retiradong guro.


Batay sa pulisya, naalerto ang mga kapitbahay ng mag-asawa makaraang marinig ang paghingi ng tulong ng mga ito alas-3 ng madaling-araw.


Agad na ini-report sa mga otoridad ang insidente at nang tingnan ng mga kapitbahay ay nakita ang mag-asawa na sugatan at wala na umanong buhay. Na-recover ang isang kutsilyo at isang pamalo na hinihinalang ginamit sa krimen.


Palaisipan pa sa mga otoridad ang motibo sa krimen at patuloy ang imbestigasyon para matukoy ang salarin.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page