After ng ginawa kay Jennylyn… DENNIS, GAME MAKIPAG-AYOS KAY PATRICK

ni Beth Gelena @Bulgary | October 6, 2026

Photo: Dennis Trillo at Patrick Garcia - IG - YT Ogie Diaz
Hindi man basta-basta kinakalimutan ni Dennis Trillo ang mga nangyari, malinaw na hindi niya isinasara ang pinto para sa pakikipag-ayos kay Patrick Garcia, lalo na kung ang kapayapaan ng kanilang pamilya ang pag-uusapan.
Ito ang ipinahiwatig ng aktor nang makuyog ng entertainment press para sa panayam matapos niyang tanggapin ang dalawang parangal sa kamakailang Dekada Awards.
Isa sa mga unang tinanong sa aktor ay kung ano ang pakiramdam niya bilang ‘Man of the Hour’.
“Man of the Hour ba?” patanong niyang sagot.
Aniya, “S’yempre, masaya, kasi ‘yun na nga, nabigyan tayo ng dalawang Dekada Awards.”
Nang tanungin naman tungkol sa malaking ambag ng kanyang misis na si Jennylyn Mercado sa kanyang mga natamo, hindi nagdalawang-isip si Dennis na ipagmalaki ang misis.
Sey ng aktor, “‘Di ko mararating ‘to kung ‘di dahil sa kanya, kung ‘di dahil sa ginawa n’ya sa ‘kin, sa ginawa n’yang pagbabago sa buhay ko. S’ya ‘yung nag-lead sa ‘kin para mapunta rito sa maganda.”
Kinumpirma rin niyang maayos ang kalagayan ni Jennylyn at ng anak nito kay Patrick Garcia.
“Okey naman, tahimik kanina. Nag-ano lang kami, nag-lunch nang buo ang pamilya,” sagot niya.
Ibinahagi rin ni Dennis na si Jennylyn mismo ang nag-make-up sa kanya bago siya dumalo sa event.
Pagdating naman sa mga intriga at problemang kinakaharap nila bilang pamilya, simple ngunit matatag ang paninindigan ng aktor.
Diin ni Dennis, “Well, kailangan mo lang maging matibay, s’yempre. Isipin mo palagi ‘yung pamilya. Sila naman ‘yung pinakaimportante talaga. And, ‘yun, harapin nang matapang.
Dahil s’yempre, ‘pag pamilya ‘yung pinag-usapan, ibang usapan na ‘yun.”
Tinanong din si Dennis kung ano ang payo niya kay Jennylyn sa gitna ng mabigat na pinagdaraanan nito.
Mensahe niya, “Uhmmm, tayo ba, ah, maging masaya pa rin kahit na ano. ‘Yun, may mga ‘di maiwasan na magkaroon ng ganitong mga klaseng problema at mga pinagdaraanan sa buhay.
“So ‘yun, maging masaya, maging thankful pa rin sa lahat ng mga blessings. S’yempre, thankful dahil maraming nagtatanggol sa ‘min, nagmamahal, sumusuporta kaya nakaka-overwhelm.”
At nang itanong kung siya na lamang ba ang humaharap sa mga isyu para maprotektahan ang kanyang pamilya, diretsahan ang sagot ni Dennis.
Sagot ni Dennis, “Ako na lang talaga dahil pamilya ko ‘yun, eh, at walang magtatanggol sa kanila kundi ang padre de pamilya. ‘Yun ‘yung talagang responsibilidad ng ama. S’yempre, gagawin mo ang lahat at all cost.”
Naging emosyonal din ang bahagi ng panayam nang balikan ang naging reaksiyon niya sa isyung kinasangkutan ng pamilya, kabilang ang naging pahayag ng kapatid ni Janice de Belen na si Gelli.
“Naramdaman na galit, ‘yun ang naging reaksiyon ko. Initial lang na reaksiyon ng isang tatay na, ah,” ani Dennis.
“Nagtatanggol sa pamilya. Isang tatay na umiiwas na sa trauma. So, maaga pa lang, dapat harangin na at para wala nang manghimasok pa at makadagdag pa ng masasakit (na salita),” paliwanag niya.
Samantala, nang tanungin ang reaksiyon niya sa pahayag ng GMA na walang kinakampihan ang kanilang mga hosts, sinabi ni Dennis, “Mabuti naman kung ganu’n. S’yempre, ‘yun naman ang role ng bawat host, eh, ang maging neutral, maging patas.”
Sa kabila ng lahat, iginiit ni Dennis na nais niyang matapos na ang pamba-bash at huwag nang madamay ang mga bata.
Sigaw niya, “Dahil at the end of the day, sila ‘yung mga buhay natin.”
At dito naging kapansin-pansin ang sagot niya nang tanungin kung bukas ba siyang makipag-reach out kay Patrick at kung posible pa bang maayos ang kanilang gusot.
“Oo naman. Lahat ng tao, puwedeng bigyan ng second chance kahit gaano pa kagrabe ang mga nagawa,” mariing pahayag ni Dennis.
Nang hingan naman siya ng mensahe para kay Patrick, tila nais nang tuldukan ng aktor ang usapin.
Aniya, “Peace to all and spread love, guys... Tahimik na at wala nang sasabihin. Wala na, nasabi na lahat. Last na ‘yun.”
Sa huli, nagpasalamat si Dennis sa entertainment press sa suporta at pagbibigay sa kanya ng pagkakataong maipaliwanag ang kanyang panig.





Comments