Libreng e-bus, aarangkada na

ni Gina Plenago @News | October 6, 2026

Photo: Libreng sakay sa e-bus sa Muntinlupa - Official Ruffy Biazon
Libreng sakay sa electronic bus o E-Bus ang ilulunsad ng lokal na pamahalaan ng Muntinlupa para sa piling sektor.
Ayon kay Mayor Ruffy Biazon, prayoridad sa initial rollout ang senior citizens, persons with disabilities (PWDs), buntis, mga pasyente ng Ospital ng Muntinlupa (OsMun), at mga empleyado ng city government.
Kailangang magpakita ng valid ID o kaukulang dokumento. Para sa mga pasyente ng OsMun, maaaring magpakita ng laboratory request, doctor’s note, prescription, follow-up date o appointment confirmation.
Nilinaw ni Biazon na hindi ambulansya ang E-Bus at ibang serbisyo ang dapat gamitin sa medical emergencies.
May kapasidad itong 20 nakaupo at 10 nakatayo. Prayoridad sa upuan ang seniors, PWDs, buntis at OsMun patients, na maaari ring magsama ng isang companion.
Dapat ding sumakay at bumaba lamang sa designated bus stops.





Comments