BBM, gustong mag-scientist, never pinangarap na maging pangulo

ni Mylene Alfonso @News | October 6, 2026

Photo: PBBM sa Unshaken - YT / Gary V
Ibinahagi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na una niyang pinangarap na maging scientist dahil sa kanyang interes sa mathematics at science.
Sa panayam ng beteranong singer at host na si Gary Valenciano para sa podcast nitong “Unshaken with Gary V,” binalikan ni Marcos ang kanyang kabataan at kung paano niya nasaksihan ang mga sakripisyo ng kanyang mga magulang dahil sa public service.
Ayon sa Pangulo, dahil sa kanyang nakita sa hirap at sakripisyo ng kanyang mga magulang, una niyang naisip na hindi niya tatahakin ang mundo ng politika.“The funny thing is, I’ll tell you what I knew I wasn’t going to be – a politician,” ani Marcos.
Sinabi ni Marcos na nakita niya kung gaano kahirap ang buhay sa public service at ang mga sakripisyong kailangang gawin ng kanyang ama, ina at mga taong nakapaligid sa kanilang pamilya.
“I absolutely said that there’s one walk of life that I am not going to go down because I saw how difficult it is, the sacrifices that my dad had to make, my mother had to make, and the people around them had to make,” wika ng Pangulo.
Dahil dito, naisip umano ng Pangulo na ibang career ang kanyang tatahakin.
“So I said, ‘hindi ko yata kaya ‘yun,’ as we went on. Sabi ko, I’ll do something else entirely,” hirit ni Marcos.
Sa halip na pulitika, sinabi ng Pangulo na dahil sa kanyang pagkahilig sa mathematics at science noong nag-aaral pa, pinangarap niyang maging isang scientist.
“I had an affinity for mathematics and science in school. And I said, I’m going to be a scientist. I want to be a scientist,” saad pa niya.
Ikinuwento rin ng Pangulo na naiisip niyang magtrabaho sa isang laboratoryo, magsuot ng white coat, magsagawa ng mahahalagang research at magpatuloy sa pag-aaral.





Comments