Mag-ama, nag-bonding… ANAK NI PAULO KAY LJ, NAIPAKILALA NA RAW KAY KIM SA TATE
- BULGAR

- 12 hours ago
- 2 min read
ni Nitz Miralles @Bida | July 5, 2026

Photo: IG _pauloavelino & _chinitaprincess
Nagpasalamat kay Paulo Avelino ang mga followers nito dahil sa post nitong photo dump. Kasama sa mga larawang ipinost ang photo ng anak nito kay LJ Reyes na si Aki.
Sa larawan, magkaharap ang aktor at si Aki na nakaupo sa sementadong wall na parang nasa highway.
Bago ang litrato dahil malaki na si Aki, binata na, at ganoon na ang hitsura niya sa post ni LJ sa opening ng cookie business nila ng kanyang asawa.
Parang kuha ito nang magpunta kamakailan lang si Paulo sa Amerika.
Caption ng photo: “A recap of how life has been lifting these past few months.”
Kasama rin sa photo dump ang opening ng new business ni Paulo na ipinromote ni Kim Chiu.
Dagdag na kilig sa mga fans nina Kim at Paulo ang paniwalang ang aktres ang kumuha ng photo nina Paulo at Aki. Ibig sabihin, magkasama ang KimPau nang bisitahin ni Paulo ang anak at baka ipinakilala na rin ni Paulo si Kim sa kanyang anak.
Kahit daw wala sa photo si Kim, ramdam pa rin ang presence nito dahil kay Kim nga ang cellphone na ginamit sa pagkuha ng photo ng mag-ama. Pati raw ang nakasukbit na camera kay Paulo ay kay Kim din. Para sa KimPau fans, layag na layag ang relasyon nila.
Fans, todo-kilig… WEDDING PHOTOS NINA BIMBY AT RYZZA MAE, KUMALAT
Nakakaloka ang mga MaeBy fans nina Ryzza Mae Dizon at Bimby Aquino na sa sobrang adik sa love team ng dalawa, may nagpagawa ng AI (artificial intelligence) photos nila na ikinasal. Hindi lang isa, kundi tatlong wedding photos ang nakita naming viral ngayon.
Sa isang photo, naglalakad sa church aisle ang MaeBy. Sa isa pang photo, nagka-cut sila ng wedding cake. At sa isa pa, parang after the wedding ay naka-pose na ang dalawa.
Kinilig ang MaeBy fans at kahit daw AI, sold na sa kanila sa ngayon.
May nag-comment naman na parang paramdam ito para sa rom-com movie na gagawin nina Ryzza at Bimby. Baka raw may iniluluto sina Vic Sotto at Vice Ganda at wish ng mga fans na kasama ang dalawa sa The Greatest Showdown (TGS).
DALAWANG magkasunod na events ni Kathryn Bernardo ang nilu-look forward ng kanyang mga fans.
Bukas, July 8, lalabas ang full trailer ng series niyang Someone, Someday (SS) kung saan kasama niya sina James Reid at Maja Salvador.
Sa July 9 naman ang unveiling ng kanyang Madame Tussauds wax figure at hindi na mahihirapan ang mga fans dahil dito gagawin ang unveiling, sa Glorietta 2 Palm Drive Activity Center, from 4:00 PM to 9:00 PM. Enough time ito para makapagpa-selfie sa wax figure ni Kathryn ang mga fans.
Admission is free, kaya lang, dapat agahan ng mga fans ang pagpunta sa venue dahil siguradong marami ang susugod para makita si Kathryn at ang kanyang wax figure.
Ang ganda ng tagline na, “Be among the first to meet her Kath-twin.”
Anyway, ang serye nina Kathryn, James at Maja ay airing sa July 27 sa ABS-CBN, ALLTV2, A2Z, TV5, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live at iWant. Streaming din ito sa Netflix.





Comments