Madir ni Daniel, proud na proud… KARLA, MAGPAPATAYO NG MANSIYON NA TANAW ANG SAN JUANICO BRIDGE
- BULGAR
- Mar 29, 2021
- 1 min read
Julie Bonifacio - @Winner | March 29, 2021

Ipinakita ni Karla Estrada sa kanyang Instagram account ang magiging "everyday view" niya sa ipapatayo niyang bahay sa Samar.
Tatlong larawan ang ipinost ng Magandang Buhay host sa kanyang IG Story. Bawat litrato ay ipinapakita ang malawak na lupaing pag-aari ni Momshie Karla sa kanilang probinsiya at sa pangatlong piktyur ay matatanaw ang San Juanico Bridge.
"Soon, you will be my everyday view... I love view! MY SAN JUANICO #mountainlife #mybeautifulhometown," caption ni Momshie Karla.
Malamang ay doon itatayo ni Momshie Karla ang mansion niya sa kanyang farm sa kanilang probinsiya kung saan tanaw ang San Juanico Bridge.
Mukhang doon planong mamalagi ni Momshie Karla kapag nagretiro na siya sa showbiz.
Why not? Fresh air, fresh din ang mga pagkain at tahimik. At knows din naman ni Momshie Karla na magkakani-kanyang pamilya rin ang kanyang mga anak balang-araw kaya mabuting paghandaan na rin niya ang pagtanda.
Una na riyan ang anak niyang si Daniel Padilla na ipinasilip na sa mga netizens ang lupang nabili at patatayuan ng bahay nila ng kasintahang si Kathryn Bernardo.
Kapag nagkataon, makakasabay pa yata ng pagpapatayo ng bahay nina Daniel at Kathryn ang mansion ni Momshie Karla sa kanyang hacienda sa Samar.
Natatandaan namin nu'ng nagsisimula pa lang sa showbiz si Karla, madalas na niyang banggitin sa mga friends niya ang kanyang ekta-ektaryang lupa sa Samar.
Sa pagkakaalam namin, pamana kay Karla ang kanyang malawak na lupain sa probinsiya.
Tuwang-tuwa naman ang kasamang host ni Momshie Karla sa Magandang Buhay na si Melai Cantiveros.
Tiyak na itu-tour ni Momshie Karla ang mga viewers ng Magandang Buhay sa kanyang hacienda one of these days.
Abangan.





Comments