MADIR NI AJ, TODO-THANK YOU KAY ALJUR SA PAGBUBULGAR NG PANLOLOKO NI KYLIE
- BULGAR
- Oct 21, 2021
- 3 min read
ni Julie Bonifacio - @Winner | October 21, 2021

Wala pang isang araw after ng controversial post sa Facebook page ni Aljur Abrenica, nagsanga-sanga na ang mga usapan sa akusasyon niya na si Kylie Padilla ang sumira sa kanilang relasyon.
Una, kinukuwestiyon ang motibo ni Aljur sa pagbubulgar ng ginawa ni Kylie. At bakit ngayon lang daw naglabas ng reaksiyon si Aljur sa matagal na ring isyu ng hiwalayan nila ng misis? Too late the hero na raw kumbaga, sabi ng ibang showbiz kibitzers.
Pangalawa, kung true na si Kylie ang unang “nagloko” sa relasyon nila, sino ang “partner in crime” ng aktres when she did it?
Pangatlo, bakit pati raw ang nanay ng bagong girlfriend ni Aljur ngayon na si AJ Raval ay may sariling say sa hiwalayan?
Wiz na kami magse-share ng sarili naming opinyon dahil sa komento pa lang ng mga netizens, sabi nga, uwian na, may nanalo na!
Eh, ‘di ba nga, lagi naming sinasabi na mas maraming “Marites” na netizens kesa sa mga taga-showbiz? Hahaha!
Unahin na natin sa kung ano ang nagtulak kay Aljur para ibulgar ang panloloko diumano ng kanyang misis.
“LUH.. IM SURE 'YUNG KA-HOLDING HANDS N'YA SA ISANG MALL SA PAMPANGA NAGDIKTA NA MAG-POST SI ALJUR. MGA KABIT NGAYON, MAKAKAPAL MUKHA. AH, 'YUN PA ANG UNANG NAGSULSOL SA LALAKI.”
“True. Correct, 100% YES!!!”
May nagsabi rin na in bad taste raw ang ginawa ni Aljur sa pag-e-expose kay Kylie sa public. May agreement naman daw pala sila na puwede silang makipag-date sa iba pero dapat, discreetly. At sana raw ay inisip ni Aljur ang mga anak nila ni Kylie.
“I really believe that what Aljur did was HIGHLY inappropriate, he could've done better. The issue should be addressed privately because clearly, it doesn't concern the public, regardless of his reasons, he should've thought that once he fell in love with Kylie.”
Pero may dumepensa naman kay Aljur sa kanyang ginawa.
“Huh??? Sira ho ang pangalan niya sa publiko kaya bakit siya mananahimik kung iniisip niyang siya ang biktima? If I was him, I would do that too.”
“He’s so gentleman kaya for not speaking too quickly sa kasagsagan ng issue niya with AJ Raval. 'Pag ba lalaki ang victim, bawal na mag-defend ng sarili kasi masisira ang kapakanan ng mga bata? Pero 'pag lalaki ang nagkamali, halos ipako na sa krus. Sige, doblehin n'yo pa standard n'yo.”
“Double standard ng mga tao, ah. Pareho silang gago, ba't n'yo dine-defend magkabilang parte?”
“Hahaha! Korek, parehong sinira ang pamilya. Parehong pinili ang mali. Aww, tutal, kung 'di na sila masaya together, they can do whatever they want. Kawawa lang kids, sobrang aga nag-break parents nila.”
“Well there is always 3 sides of the story. Kylie side, Aljur side and the truth.”
Nalurky naman ang ibang netizens sa nanay ni AJ sa lumabas na interbyu nito at itinuturo rin na siyang nagpursige diumano na maglabas na si Aljur ng kanyang statement.
“Eh, sinulsulan ng nanay na BOLD STAR.”
Sa interbyu ng ina ni AJ, sinabi niya na mas pinili niyang manahimik at masaktan para sa anak niya nu’ng lumabas ang balitang karelasyon nito si Aljur dahil alam daw ng nanay ni AJ na lalabas din ang totoo pagdating nang araw.
At nagpasalamat pa ang ina ni AJ sa pagsasambulat ni Aljur ng nangyari sa kanila ni Kylie.
“He must expect na maba-bash sila after nilang mag-PDA ni AJ Raval sa mall, kasi hindi pa sila legally divorced ni Kylie. People will always judge and they must think about it before they go public. So face the consequence na lang talaga.”
May kumuwestiyon naman sa ina ni AJ sa pagpayag niya na makipagrelasyon ang kanyang anak sa lalaking may asawa.
And then sa tanong na sino ang itinuturong “third party” sa hiwalayang Kylie at Aljur, kung meron man, “Try to watch Xian Gaza's live videos, sinasabi niya ru'n na jowa raw ni Kylie si JM De Guzman. Dakilang mosa ng taon,” sabi ng isang netizen.
“Parang may sinabi siyang may mga pulitiko rin daw or mali narinig ko?"
May nagparating sa amin na foreigner naman. Ano kaya ang trooth?
Sa huli, may mga unsolicited advise kay Kylie ang mga netizens sa ginawa ni Aljur sa kanya.
“Girl, you can file a case against Aljur. What he is doing to you now is psych abuse. That could be under VAWC or RA 9262. Pls consult a lawyer.”
“TRUE!!! PASOK 'YAN SA VAWC, TUTAL WALA SIYANG RESPETO SA 'YO AS A MOTHER OF YOUR KIDS. FILE A CASE AGAINST HIM. TEACH HIM A LESSON.”
O, 'di ba, dami nilang alam?





Comments