top of page
Search
  • BULGAR

Madir na si Sharon, idinispley ang boobs… KC, AYAW PAKABOG, NAGPASILIP NG SINGIT

ni Janiz Navida @Showbiz Special | May 13, 2021




Nakita namin ang isa sa mga latest posts ni KC Concepcion sa kanyang Instagram account kung saan naka-one-piece pink bathing suit siya habang nakaupo sa floor at katabi ang kanyang aso.


Sa unang tingin ay wholesome naman si KC dahil nag-rest muna ang paghe-hello ng kanyang malulusog na boobs. Pero naagaw ang atensiyon namin ng kanyang sexy pose na medyo nakabukaka dahil nakatukod sa floor ang kanyang left leg habang naka-fold naman ang kanyang right leg.


Malayo naman ang shot kaya hindi masyadong na-focus sa private part ni KC, although may konting pasilip na rin sa kanyang singit, ha?


Napansin naming sadyang in-off ni KC ang comments section ng naturang post niya, which is tama lang naman dahil kung open 'yun, tiyak na ang dami na namang sinabi ng mga netizens tungkol sa kanya.


Pero 'eto lang, ha, siguro kung iko-compile lang ni KC ang mga sexy pose niya tulad ng pagtuwad niya, pagpapasilip ng kanyang cleavage at pati 'yung mga pictorial niya noon sa magazine na ikina-shocked ng kanyang Megastar mom na si Sharon Cuneta, eh, baka makabuo na siya ng coffeetable book.


Oh, ha? Why not, KC?


At least, kikita pa siya, devah, kesa naman 'yung libreng-libre lang siyang pinagpapantasyahan ng mga fans niya sa social media, 'di ba?

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page