Madir na kasama ng 30 yrs., pumanaw na…ANGELINE, SOBRANG LUNGKOT NU'NG PASKO
- BULGAR

- Dec 27, 2020
- 1 min read
ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | December 27, 2020

Pasko 2020, ang unang Kapaskuhang wala sa piling ni Angeline Quinto ang kanyang Mommy Sylvia na kilala bilang Mama Bob.
Sa panayam sa A.S.A.P. Natin 'To regular performer, sinabi niyang ibang-iba ang kanyang pakiramdam na wala ngayong Pasko ang isa sa pinakamamahal niya sa buhay.
"Ito ang unang Pasko na wala ka, Ma. Ibang-iba ang pakiramdam pero sa 30 years ng buhay ko na kasama kita, walang patlang ang pagmamahal na ipinaramdam mo sa akin," caption ni Angeline sa kanyang Instagram post.
Ipinagpapasalamat sa Diyos ni Angeline ang pagtatagpo nila ni Mama Bob, na kalauna'y inampon na ng huli ang singer.
"Wala akong lubos na ipinagpapasalamat sa Panginoon kundi ang pagtatagpo nating dalawa nu'ng sanggol pa ako. Ikaw ang buhay at mundo ko, Mama Bob," bulalas pa ni Angeline.
Ipinaalala pa ng singer sa kanyang mga fans na ipadama sa kanilang mga nanay ang diwa ng Pasko.
"Maligayang Pasko, Ma, d'yan sa langit. At sa inyo pong lahat, kamag-anak ko, katrabaho, kaibigan, yakapin n'yo po nang mahigpit ang mga nanay n'yo. Lagi n'yong ipaalala sa kanila na mahal na mahal n'yo sila. Merry Christmas," ani Angeline.





Comments