top of page
Pinoy Big Brother Collab 3.0 - YT.jpg

Madir, maysakit daw ‘pag tahimik… RUFFA, MAS GUSTONG MAINGAY AT NAGTATARAY SI ANNABELLE

Writer: BULGAR
BULGAR
12 hours ago
3 min read

ni Vinia VIvar @Frankly | November 23, 2026



Madir, maysakit daw ‘pag tahimik… RUFFA, MAS GUSTONG MAINGAY AT NAGTATARAY SI ANNABELLE

Photo: IG / Annabelle at Ruffa



Hindi napigilan ng aktres-former beauty queen na si Ruffa Gutierrez na maging emosyonal nang ibahagi ang ilang detalye tungkol sa kalagayan ng kanyang inang si Annabelle Rama, na kamakailan lamang ay naospital.


Sa media launch ng kanyang bagong endorsement na Biostile Cosmetics, na ginanap noong November 21 sa Music Hall ng SM Mall of Asia (MOA) Arena, kinumusta ng entertainment press ang kalagayan ng kanyang mga magulang.


“My mom is still getting better. May pinagdaanan s’ya recently, so she chose to keep quiet about it,” pagbabahagi ni Ruffa.


“So I want to respect her wish. Pero humihingi na rin ako ng prayers para sa mommy ko na sana ipagdasal ninyo na gumaling na rin s’ya,” pakiusap niya.


Nang tanungin kung gaano kaseryoso ang naging kondisyon ng kanyang ina, sinabi ni Ruffa na may cure naman ang sakit nito. 


Aminado rin siyang natural lamang na mas maging concerned sila sa kalusugan ng kanilang mga magulang habang patuloy na tumatanda ang mga ito.


Sa ngayon, nakauwi na raw si Tita Annabelle mula sa hospital at patuloy na nagpapagaling. 


Ayon kay Ruffa, masaya siyang unti-unti nang bumabalik sa normal ang kanyang ina. 

“Maingay s’ya ulit. So, mas magwo-worry ako kung ‘di na s’ya nag-iingay. So, ‘pag nagtataray na s’ya ulit, sabi ko, ‘Lord, okay lang, magtaray na s’ya ulit.’ Ibig sabihin, healthy s’ya. So, ‘pag maingay na s’ya ulit, ibig sabihin, she’s healthy,” kuwento ng aktres.


Samantala, ibinahagi rin ni Ruffa na nasa maayos na kondisyon ang kanyang amang veteran actor at movie icon na si Eddie Gutierrez.


“Si Daddy naman is strong. And my mom naman is recovering,” saad niya.


“And ang nakakatuwa d’yan, ‘yung pagmamahal nila sa isa’t isa, it’s the kind of love na masarap kasi in 30, 40, 50, 60 years, sila pa rin talaga ang nagmamahalan at in the end, pagmamahal na masarap tularan, na wish natin ‘yun para sa lahat ng pamilya,” dagdag niya.

Sinagot din ni Ruffa ang tanong ng press tungkol sa relasyon ng pamilya Gutierrez sa estranged wife ni Richard na si Sarah Lahbati.


Aniya, matagal na raw okay ang mommy niya at si Sarah.

“Ever since my sister-in-law passed away (Alexandra Uichico Gutierrez, asawa ng brother niyang si Elvis Gutierrez), okay na sila. ‘Di alam ng mga tao ‘yun.


“Lagi s’yang (Annabelle) tinitira ng mga tao. Okay na sila ni Sarah noon pa, that’s all I’m gonna say. Ever since my sister-in-law passed away, we just kept it to ourselves. And that’s all I’m gonna say,” paglilinaw ni Ruffa.


“So sana, tigilan na rin sila ng mga tao. Ayaw na naming magsalita at ‘di naman lahat ng nangyayari sa isang pamilya, alam ng publiko,” sey niya.


“And Zion and Kai (anak nina Sarah at Richard) ang iniisip namin. At the end of the day, nanay pa rin s’ya ni Zion tsaka ni Kai. It’s like me also. Let’s leave it at that,” lahad ng aktres.

Sa tanong kung okay din ba sila ni Sarah, sagot ni Ruffa, “Of course. ‘Di kami nagkikita pero okay kami.”


As for Sarah and Richard, pagbabahagi ng aktres, “They are okay. Let’s leave it at that.”

Samantala, isang bagong milestone sa career ni Ruffa ang pagiging celebrity endorser ng Biostile Cosmetics, a Slovenian skincare and beauty brand na ngayon ay narito na sa Pilipinas.


Ayon kay Nino Bautista ng BFC Laboratories, layunin ng kanilang brand na makapaghatid ng quality skincare products para sa Filipino consumers.

“We started with a purpose of having quality products for Filipino consumers. Given their confidence, we kept on improving,” pahayag niya.


Ibinahagi rin niya na patuloy nilang pinagbubuti ang kanilang products sa pamamagitan ng research at pakikipag-partner sa mga kumpanyang may kaparehong vision.


Ayon naman sa co-founder na si Red Gatus, “This partnership was created with our shared values. We are excited to work with them in product development, and combining our expertise in the Philippine market, we hope to build something meaningful starting today.”

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page