Mabuting anak daw, KC… SHARON: KAKIE, MALAMBING, NEVER NAMBASTOS AT NAGBIGAY NG SAKIT NG ULO
ni Beth Gelena @Bulgary Files | August 30, 2023

Sa mensahe ni Sharon Cuneta para sa kanyang anak na si Frankie Pangilinan, parang ipinamukha nito na hindi mabait ang panganay niyang anak kay Gabby Concepcion na si KC Concepcion.
Alam naman ng Megastar na may hindi pagkakaunawaan sina KC at Frankie (hindi nga lang natin alam ang dahilan), pero heto at pinabaunan pa niya ng madamdaming mensahe ang panganay nila ni Kiko Pangilinan nang umalis na ito pabalik sa US para ituloy ang pag-aaral.
Aniya, malambing at sweet daw na anak si Frankie lalo na sa kanya, kaya naa-appreciate niya ito.
Sa 23 taon daw niyang nakasama ang anak ay hindi siya nito binigyan ng sakit ng ulo.

Post ni Sharon sa kanyang Instagram account, “You’re turning 23 in Dec. and dear Lord, I cannot thank Him enough for 23 years of nothing but good things and times with you. No headaches, no horror stories, no disrespect, no bad or sad anything?! I must have done something right in my lifetime. Thank you, my Kakie.
Thank you for being a good daughter @frankiepangilinan.”
Komento tuloy ng mga netizens…
“Hindi man lang isinaalang-alang ni Sharon ang damdamin ni KC.”
“Bias talaga siya sa mga anak.”
“Papaano naman niya makakasama si KC sa loob ng 23 taon, eh, sa London na niya agad pinag-aral si KC at naging independent agad sa kanyang murang edad.”
“Parang sinabi na rin niyang hindi mabuting anak si KC.”
“Pinatatamaan ba ni Megastar ang anak na si KC?”





Comments