Maaaring gawin ng ospital o klinika kung di kaya ang emergency o serious cases
- BULGAR

- Sep 24
- 3 min read
ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | September 24, 2025

Dear Chief Acosta,
Maaari bang tumanggi ang mga ospital at klinika na gamutin ang mga pasyente sa oras ng emergency o malubhang kalagayan? Ano ang maaaring gawin ng ospital kung hindi nito kayang gamutin ang pasyente? -- Gojo
Dear Gojo,
Ang sagot sa iyong mga katanungan ay matatagpuan sa Batas Pambansa Bilang 702, na inamyendahan ng Republic Act (R.A.) No. 10932, o mas kilala bilang “An Act Strengthening the Anti-Hospital Deposit Law by Increasing the Penalties for the Refusal of Hospitals and Medical Clinics to Administer Appropriate Initial Medical Treatment and Support in Emergency or Serious Cases.” Espesipiko, sa Seksyon 1 ng nasabing batas, nakasaad na:
“Sec. 1. In emergency or serious cases, it shall be unlawful for any proprietor, president, director, manager or any other officer and/or medical practitioner or employee of a hospital or medical clinic to request, solicit, demand or accept any deposit or any other form of advance payment as a prerequisite for administering basic emergency care to any patient, confinement or medical treatment of a patient in such hospital or medical clinic or to refuse to administer medical treatment and support as dictated by good practice of medicine to prevent death, or permanent disability, or in the case of a pregnant woman, permanent injury or loss of her unborn child, or noninstitutional delivery: Provided, That by reason of inadequacy of the medical capabilities of the hospital or medical clinic, the attending physician may transfer the patient to a facility where the appropriate care can be given, after the patient or his next of kin consents to said transfer and after the receiving hospital or medical clinic agrees to the transfer: Provided, however, That when the patient is unconscious, incapable of giving consent and/or unaccompanied, the physician can transfer the patient even without his consent: Provided, further, That such transfer shall be done only after necessary emergency treatment and support have been administered to stabilize the patient and after it has been established that such transfer entails less risks than the patient’s continued confinement: Provided, furthermore, That no hospital or clinic, after being informed of the medical indications for such transfer, shall refuse to receive the patient nor demand from the patient or his next of kin any deposit or advance payment: Provided, finally, That strict compliance with the foregoing procedure on transfer shall not be construed as a refusal made punishable by this Act.’”
Hinggil sa nabanggit, sa mga emergency o malubhang kaso, labag sa batas para sa sinumang may-ari, presidente, direktor, tagapamahala, o alinmang opisyal, at/o manggagamot o empleyado ng isang ospital o klinikang medikal na:
Humingi, manghingi, tumanggap ng deposito o anumang uri ng paunang bayad bilang kondisyon bago tanggapin sa ospital o gamutin ang isang pasyente; o
Tumangging magbigay ng medikal na lunas at suporta alinsunod sa tamang praktis ng medisina na kinakailangan upang maiwasan ang kamatayan o permanenteng kapansanan.
Sa sitwasyon naman na walang kakayahan ang isang ospital o klinikang medikal dahil sa kakulangan sa kakayahan, maaaring ilipat ng manggagamot ang pasyente sa isang pasilidad kung saan maibibigay ang angkop na pangangalaga, matapos makuha ang pahintulot ng pasyente o ng kanyang kaanak, at matapos pumayag ang ospital o klinikang tatanggap sa pasyente.
Kung ang pasyente ay walang malay, walang kakayahang magbigay ng pahintulot, at/o walang kasamang kamag-anak, maaaring ilipat ng manggagamot ang pasyente kahit walang pahintulot, sa kondisyon na ang nasabing paglipat ay gagawin lamang matapos maibigay ang kinakailangang agarang lunas at suporta upang patatagin ang kalagayan ng pasyente, at matapos matiyak na ang paglipat ay mas ligtas kaysa sa pananatili ng pasyente sa kasalukuyang ospital.
Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.
Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.








Comments